Joseph Bitangcol dismisses report that he rejoiced after breakup with Sandara Park

IMAGE 0


"Kahit paano naman, nasaktan ako nang mag-break kami ni Sandy. Mahal ko naman kasi talaga siya." says Joseph Bitangcol about ex-girlfriend Sandara Park (inset, left). Joseph also clarifies rumors linking him to sexy comedienne Keanna Reeves (inset, right).



Mariing itinanggi ng young actor na si Joseph Bitangcol ang lumabas na balita na ikinatuwa niya ang breakup nila ni Sandara Park, lalo na raw nang magdesisyon ang dalaga na bumalik na sa Korea.

Ayon pa nga sa balita, ngayon daw ay nagagawa na ni Joseph ang lahat ng gusto niyang gawin nang walang nagbabawal at naninita sa kanya. Madalas nga raw ngayong makita ang young actor sa mga gimikan kasama ang iba't ibang babae.

"Kahit paano naman, nasaktan ako nang mag-break kami ni Sandy. Mahal ko naman kasi talaga siya. Hindi ko ikinatuwa ang paghihiwalay namin, lalo na nang magdesisyon siyang bumalik sa Korea. The night before nang umalis siya ay nag-text pa ako sa kanya, di ba?" paliwanag ni Joseph sa phone interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 27.

"Nung kami pa ni Sandy," patuloy niya, "lagi niya akong tsini-check sa mga lakad ko, lagi niyang inaalam kung nakauwi na ba ako, kung sino'ng kasama ko. Para siyang second mother ko na inaalam lahat ng ginagawa at lakad ko. Pero ngayon, kahit paano medyo nagagawa ko na lahat ng gusto ko na ang mommy ko lang ang nagtatanong. Gumigimik pa rin naman ako, pero mga barkada ko lang ang mga kasama ko at hindi kung sinu-sinong mga babae."

Mula nang umalis si Sandara ay hindi pa pala sila nagkakausap ulit ni Joseph.

"Ginawan niya ako ng email address para magkaroon pa rin daw kami ng communication. Kaya lang, hindi ko pa natitingnan 'yung email ko kaya hindi ko alam kung nag-email na siya sa akin. Busy pa kasi ako at saka sira 'yung computer namin," dahilan ng young actor.

Mahal pa rin ba niya si Sandara?

"Parang nagki-care na lang ako sa kanya," maikling sagot niya.

May balitang babalik sa bansa si Sandara dahil kasali ito sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Sa pagbabalik ni Sandara, hindi kaya magkabalikan din sila ni Joseph?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, parang hindi ko pa naiisip na balikan siya," diretsong pahayag ni Joseph. "Baka sa future, pero hindi ko pa rin masasabi."

Hindi kaya ang dahilan kaya ayaw niya nang makipagbalikan kay Sandara ay dahil may iba na siyang natitipuhan o gustong ligawan?

"Wala pa akong gustong ligawan. Trabaho muna ako. Pahinga muna ako sa pakikipagrelasyon," aniya.

Kasama si Joseph sa teleserye ng ABS-CBN na Margarita na pinagbibidahan ni Wendy Valdez. Kasama rin sa show ang nali-link sa young actor na si Keanna Reeves.

Ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ni Keanna?

"Si Keanna, kaibigan ng mommy ko. Pumupunta siya sa bahay dahil pinapanood niya sa VHS 'yung Margarita. Nire-record kasi namin 'yung show namin, kumpleto kami nun.Gusto ni Keanna na mapanood kasi pag minsan, hindi niya napapanood kaya pumupunta siya sa bahay.

"Pag nasa set kami ng Margarita, niloloko niya ako madalas. Sinasabi niya sa mga kasamahan namin doon na ‘Papa' niya ako, tapos kumakandong-kandong siya sa akin. Natutuwa naman sa kanya, 'yung mga kasamahan namin nae-entertain sila kay Keanna.

"Ayoko namang bigyan ng malisya 'yung pagtawag-tawag sa akin ng ‘Papa' ni Keanna. Basta wala pa talagang nangyayari sa amin," mariing sabi ni Joseph bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN