Kim Chiu: "It's not yet the right time to fall for Gerald."

IMAGE 0


"Siguro po mayroon na rin akong feelings pero hindi pa ito ang righttime. Kung makapaghihintay pa siya, marami pa kasi akong gustongtuparing mga pangarap. Basta happy po akong kasama siya..." says Kim Chiu about screen partner and suitor Gerald Anderson.



Medyo nanlalamig at excited ang young actress na si Kim Chiu nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I've Fallen For You ng Star Cinema sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, August 31. Kahit sa September 26 pa raw ang playdate ng movie—na first movie directorial job din ni Lino Cayetano—may nervous factor na raw kay Kim dahil ibang-iba ito sa first movie nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson na First Day High.

Mas seryoso raw kasi ang tema nito at mga mahuhusay na artista ang mga kasama nila, gaya nina Albert Martinez, Chin Chin Gutierrez, Lotlot de Leon, at Lloyd Samartino.

Tulad ng title ng movie nila, nag-fall in love na ba talaga si Kim kay Gerald?

"Wala pa naman pong ganun. Pero siguro po dahil more than a year na rin kaming magkasama, naging very comfortable na po ako sa kanya," nakangiting sagot ni Kim.

"Saka maalaga at maalalahanin po si Gerald. Kapag nagpupunta po ‘yan sa mall at may nakita siya dun na something pink, na favorite color ko, binibili po niya at ibinibigay sa akin."

Hindi raw alam ni Kim kung kailan nagsimulang manligaw sa kanya si Gerald. Pero sa tanong kung kailan ba sila aaming dalawa, natawa si Kim.

"Wala pa naman po talaga kaming aaminin," sabi ni Kim. "Ayoko pong magsinungaling. Siguro po mayroon na rin akong feelings, pero hindi pa ito ang right time. Kung makapaghihintay pa siya, marami pa kasi akong gustong tuparing mga pangarap. Basta happy po akong kasama siya..."

Ano ba ang mga dreams niyang gustong matupad?

"Sa ngayon po kasi, ako talaga ang breadwinner sa family ko at tatlong kapatid ko ang pinag-aaral ko. Ayoko na pong i-depend sila sa mga auntie ko. Yung isa, nasa college; isa'ng nasa high school; at ang youngest namin, sa elementary naman. Nasa Cebu po silang lahat at kapag may okasyon, sila na lang ang pinapupunta ko rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Daddy po ang kasama ko sa bahay sa Xavierville. Umalis na po kami sa condo unit sa Cubao, maliit na po para sa amin. Hindi pa rin po ako tapos ng high school, pero gusto ko pong matapos din ‘yon kapag puwede na ang schedule ko," lahad ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner.

Paano kung hindi makahintay si Gerald at manligaw sa iba, magseselos ba siya?

"Siyempre po, mahe-hurt ako," pag-amin niya. "Pero desisyon niya po ‘yon, wala po akong magagawa. Yes, kung minsan po nagseselos din ako kapag may nakikita akong may mga girls na pinupuntahan at kinakausap siya, kaya hindi ko naman po siya kinakausap. Pero sandali lang po ‘yon, kinakausap ko na rin siya after a while."

May intrigang pumupunta raw siya sa bahay ni Gerald kahit madaling-araw. Totoo ba ito?

"Minsan lang po akong pumunta sa bahay niya, pero kasama ko po ang Daddy ko. Tiningnan lang namin ang bahay niya sa may Tandang Sora dahil kalilipat lang niya dun at hindi po madaling-araw ‘yon. Ano po naman ang gagawin ko sa bahay niya ng madaling-araw, ipagluluto ko siya ng breakfast?" natatawang wika ni Kim.

Inamin din ni Kim na okay sila ng Mommy Vangie ni Gerald at okay rin daw si Gerald sa Daddy niya. Ang payo lang ng kanilang mga magulang ay pag-ayusin nila ang trabaho nila.

Sa hiwalay na interview ay inamin ni Gerald na isang araw lamang siya ng hindi maka-receive ng text from Kim, nami-miss na niya ito. Si Kim ba ay ganun din kay Gerald?

"Hindi na po kailangang mag-text. Halos araw-araw po naman kaming magkasama," sagot naman ni Kim bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN