Joey de Leon not yet ready to reconcile with Willie Revillame

IMAGE 0


"Huwag mong akuin dahil marami pang mandaraya. E, siya agad, parang‘Ako ‘yan! Ako ‘yang mandaraya na ‘yan!' Huwag ganun, ang yabang, e.Bawasan mo ‘yan, pare. Kung gusto mong maging maayos ka sa lahat, huwagmong akuin lahat ng naririnig mo," Joey de Leon advises Willie Revillame (inset).



Kahapon sa Wowowee ay idinaan sa kanta ni Willie ang kanyang pagnanais na makipagsundo na sa kaalitang si Joey de Leon. Ito ay bunsod ng, ayon kay Willie, ay mga pasaring sa kanya ni Joey pagkatapos maganap ang "Wilyonaryo" controversy sa noontime show na Wowowee, na hinu-host ni Willie.

Pero tila hindi pa handa si Joey na makipag-ayos kay Willie dahil ayon sa kanya ay hindi naman ganun kadaling kalimutan ang mga masasakit na pahayag ni Willie laban sa kanya.

Bukod sa pagsagot ni Joey sa radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa dzBB at sa mismong show niya na Eat Bulaga! noong August 29, nagbigay rin ng pahayag ang veteran comedian-TV host sa Startalk kahapon, September 1.

JOEY FIGHTS BACK. Una raw ay walang nararamdamang galit si Joey kay Willie, pero pakiramdam niya ay nabastos siya sa mga pinagsasabi ni Willie laban sa kanya. Kung si Willie ay direktang binanggit ang pangalan ni Joey at ng Eat Bulaga! sa pagpapahayag ng kanyang sama ng loob, si Joey naman ay walang binanggit na anumang pangalan o programa sa kanyang mga parinig o biro.

Kaya nagtataka si Joey kung bakit siya ngayon ang idinidiin ni Willie at hayagan pang binanggit ang pangalan niya at ng Eat Bulaga. Ang malala pa raw ay parang binastos siya sa buong mundo dahil napapanood ang Wowowee sa buong mundo sa pamamagitan ng TFC (The Filipino Channel).

"Walang galit sa akin. Naawa pa nga ako sa kanya dahil parang hirap na hirap siya, e. Parang ang feeling ko pa nga nun, ako ang nagamit... Baliktad pa nga ang ibang diyaryo, parang ako pa ang nanggagamit. Dyusko, sa tagal kong ito [sa showbiz], ako pa ang nanggagamit?

"Actually, isa lang dun sa mga sinabi niya ang medyo ano ako, pare. Inulit mo yung ULTRA [tragedy] na naggaganun daw ako [habang isinesenyas ang kanyang kamay sa leeg]. Medyo parang siniraan mo ako dun, e... Tsaka bakit go gagawin ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait akong tao talaga kung tutuusin. Pilyo ako. Ano ako, e, counter-puncher ako. 'Pag tinira mo ako, humanda ka na. Mas matindi akong tumira," tila babala pa niya.

Pero idiniin ni Joey na kailanman ay hindi siya nagsisimula ng gulo.
Sabi pa ni Joey na talagang may kayabangan si Willie. Akala raw kasi ni Willie ay siya palagi ang pinatatamaan.

"Alam mo, totoong may kayabangan ka, e... Nagre-react siya agad. Parang siya lang ang mandaraya sa buong mundo," at bigla siyang natawa.

"Huwag mong akuin dahil marami pang mandaraya. E, siya agad, parang ‘Ako ‘yan! Ako ‘yang mandaraya na ‘yan!' Huwag ganun, ang yabang, e. Bawasan mo ‘yan, pare. Kung gusto mong maging maayos ka sa lahat, huwag mong akuin lahat ng naririnig mo," tila advice pa ni Joey kay Willie.

Sa kabuuan ng interview kay Joey sa Startalk ay hindi niya binanggit kahit minsan ang pangalan ni Willie.

JOEY'S STORY. Nagbigay pa ng halimbawa si Joey ng kayabangan ni Willie nang minsang magsama sila sa pelikula, ang Barbie 2. Kinuha raw ni Joey si Willie sa naturang pelikula bilang sidekick niya. Ito rin daw ang huling pagkakataon na binanggit niya ang pangalan ni Willie.

Ikinuwento ni Joey na minsan daw sa breaktime ng shooting nila ng Barbie 2 ay nag-mahjong sila. Kasama rin nila sa pelikula ang beteranong komedyante na si Don Pepot. Harap-harapan daw sinabi ni Willie, na noon ay halos baguhan pa lang, kay Don Pepot na, "Ah, ikaw pala si Don Pepot. Alam mo kahit minsan, hindi ako natawa sa ‘yo."

Ayon pa sa kuwento ni Joey, uminit daw ang ulo ni Don Pepot kay Willie. Kaya nang manalo si Don Pepot sa mahjong ay siningil niya si Willie na magbayad. Ang ginawa raw ni Willie ay tinawag ang alalay at itsineke ang halagang isandaang piso.

HOSTING JOB. Sinagot din ni Joey ang patama sa kanya ni Willie na subukan niyang mag-host nang mag-isa ng isang programa araw-araw. Ayon kay Joey, kung gugustuhin daw ng istasyong (ABS-CBN) kinabibilangan ni Willie ay kaya siyang bigyan ng kahit labinlimang co-hosts, pero dahil siguro ay ayaw raw ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din ni Joey na kung mag-isang hinu-host ni Willie ang kanyang programa, bakit hindi raw subukan ng Wowowee host na mag-host ng isang daily program at dagdagan mo pa ng lima pang shows.

Bukod sa Eat Bulaga! ay mapapanood din si Joey sa ibang programa ng GMA-7 na Takeshi's Castle (daily), Startalk (Saturday), Nuts Entertainment (Saturday), at Mel & Joey (Sunday). Sa ABC 5 naman ay napapanood siya sa game show na Slingo.

Nagbiro rin si Joey kung bakit napapaligiran ng mga babae si Willie kanyang programa. "Ako rin po ay naguguluhan sa kanila. Ano ba ang show nila? Game show ba o night club?" birong-tanong ni Joey.

Binanggit din ni Joey ang mga inungkat ni Willie tungkol sa mga kaso nila.

"Pero yung mga salita niya, ibinitin, e. Parang may sinabi siya, 'Ako harassment lang, ikaw...ayoko na lang sabihin.' Bakit hindi mo sinabi? Kasi wala talaga akong kaso. Ayoko namang sabihin na sa iyo nakarating sa hearing, kami wala namang hearing dahil bingi ang mga abogado namin, walang hearing," pagbibiro ni Joey.

Nang tanungin naman kung handa na siyang makipagbati kay Willie, sinabi ni Joey na hindi pa raw.

Wala man nararamdamang galit si Joey kay Willie, halatang naapektuhanang una dahil sa napanood daw ng apo ni Joey ang pagtuligsa ni Williesa kanya. Kuwento ni Joey, minsan daw umuwi ang apo niya galing saeskuwelahan ay sinabi nito sa kanyang lola (ina ni Joey) na "Bad siDaddy Joey" dahil napanood ng bata ang pinagsasabi ni Willie laban sakanyang lolo.

"Alam mo, hindi isyu sa atin 'tong nangyari, e. Hindi ako, e, sa inyo, e. Sa inyo ang problema, huwag mong ibaling sa akin. Yung mga binitawan mong [salita] sa akin, matindi, e... Siguro isang Mercedes Benz okay na 'yan, kayang-kaya mo 'yan," patawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko, paghilumin muna natin. Hindi ganun kabilis, e, magiging plastik tayo niyan. 'Pag sinabing sinaksak mo ako ngayon, tapos bati. Basta ako, never kitang sinaksak... Yung kayabangan mo, bawas-bawasan mo.

"Ganun lang, pare, relax, cool lang. Magpapalit ka sa ibang host para hindi ka mapagod. Baka pagod lang 'yan," sabi ni Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN