Bar owner explains cancellation of Sitti's show

IMAGE 0


"Naaawa ako sa alaga niyang si Sitti. Sa na-experience ko sa managerniya, ang hirap makipag-deal dahil nanganganak ang gastos sa kanya.Bigla ka na lang magugulat na may additional expenses na siyanghihingin sa ‘yo after the show," says bar owner Gina dela Rama about Sitti's (in photo) manager.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bar owner at show producer na si Gina dela Rama, may-ari ng 7th Note Bar sa Malugay St., Makati City. Ibinigay ni Ms. Dela Rama ang kanyang panig tungkol sa isyu sa pagitan nila ng manager ng bossa nova singer na si Sitti, si Garrie Trinidad.

Ayon sa lumabas na balita, hindi itinuloy ni Garrie ang napagkasunduan nilang show ni Sitti sa nasabing bar noong August 30. Hindi diumano binayaran ni Ms. Dela Rama ang napagkasunduan nilang downpayment para sa second show ni Sitti.



Lahad ni Ms. Dela Rama, "May kontrata kami for two shows, August 16 and August 30. As stipulated sa contract, magbibigay ka ng down before the show at ang full payment before the actual show. Nangyari naman ‘yon. Nagbigay ako ng down na P60,000 at nabayaran ko naman yung para sa first show.

"Kaso ang nangyari, hindi pa dumadating yung susunod na show, hinihingi na niya [Garrie] yung full payment for August 30. Kaya sabi ko naman sa kanya, mare-ready ang check and he can pick it up na sa office namin. Ayaw pa niya. Gusto niya cash na raw. Ilang days pa naman bago ang show, gusto niya bayad na sila.



"Nagagalit ako kasi mali naman ang mga sinabi niya na hindi namin sila binayaran. Alam niya ‘yan na kung tutuusin, sila pa ang may utang sa aking P30,000 dahil nabayaran ko na sila ng downpayment for the next show.



Patuloy niya, "Hindi naman ito ang first time na nag-show sila sa 7th Note. Yung una pa nga, hiniling pa niya sa akin ‘yon na siya ang kumbaga magpo-produce ng show nila. So, ibinigay ko naman ang venue ko thinking na kikita naman ang bar ko sa mga food and drinks. Pero that time, P7,000 lang ang pumasok sa kaha ng bar dahil ang mga binentahan nilang mga tickets, e, nanood lang at hindi naman um-order ng mga pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Before that pa, ipinasagot pa niya sa akin ang pagkain ng buong staff niya. Sa akin, walang problema ang magpakain ka. Kaya lang, it was his show. Sa mga nire-request niya, pinagbibigyan ko naman siya. Like, kailangan daw ng dressing room ni Sitti, so dun sa katabi naming spa, nagbabayad ako kada gamit niya ng wash room. Ang sa akin lang, sana hindi na siya nagsasabi ng mga bagay na hindi naman totoo."



Hindi ba masyadong maliit na halaga ang P30,000 para kay Ms. Dela Rama at pinagtatalunan pa nila ito ng manager ni Sitti?



"Hindi maliit na halaga ‘yon," pagtanggi ni Ms. Dela Rama. "Kulang pa nga yung pambili ng Louis Vuitton bags ko! Pero ang sa akin, huwag niya [Garrie] palabasin na kami pa ang nanloko o nang-isa sa kanila.

"Naaawa ako sa alaga niyang si Sitti. Sa na-experience ko sa manager niya, ang hirap makipag-deal dahil nanganganak ang gastos sa kanya. Bigla ka na lang magugulat na may additional expenses na siyang hihingin sa ‘yo after the show. Bayaran mo yung drum set. Babayaran mo pati secretary niya na nag-handle sa pagtitinda ng tickets. I mean, ano ‘yon? May kontrata na tayo kung ano ang babayaran sa pinag-uusapan, bakit may mga iba pa palang gastos?" paliwanag pa ng bar owner.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ng manager ni Sitti na si Garrie upang sagutin ang pahayag ni Ms. Dela Rama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN