Megan Young well-adjusted at ABS-CBN

IMAGE 0


Just a few months after transferring to ABS-CBN, it seems that young actress Megan Young is now very comfortable with her new network. "Marami rin akong nami-miss doon [GMA-7] dahil marami akong nagingkaibigan sa kanila. Naiisip ko rin sila paminsan-minsan, pero I easilygained friends sa ABS," says Megan.



Very vibrant talaga ang personality ng young actress na si Megan Young at marami ang nagsasabing hiyang siya sa ABS-CBN. Hindi katulad ng iba na parang nade-depress at nine-nega pa kapag lumilipat ng istasyon, si Megan ay lumitaw talaga ang positive points ng kanyang personality.



Medyo nagkalaman pa si Megan na bumagay sa role niya bilang go-getter na trying to please others, pero lumilitaw pa ring palpak sa maraming bagay, sa youth-oriented series ng ABS-CBN na Abt Ur Luv. Kaya nga naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung mayroon pa ba siyang nami-miss sa GMA-7.



Ayon kay Megan, "Marami rin akong nami-miss doon [GMA-7] dahil marami akong naging kaibigan sa kanila. Naiisip ko rin sila paminsan-minsan, pero I easily gained friends sa ABS.



"Sa Abt Ur Luv na nga lang, I have become so close with Carla Humphries. I always look forward each taping day na magkakasama kami. And then, kung madaling natatapos ang taping, gumigimik pa kaming magkakabarkada," kuwento pa ng dating StarStruck Avenger.



Over din nga yata sa closeness sina Megan at Carla samantalang ang roles nila sa series na pinagsasamahan nila ay magkaagaw sa isang lalaki na ginagampanan ni Victor Basa. Swear-to-death si Megan na sa tunay na buhay, hindi sila puwedeng maapektuhan ng ganoong conflict ni Carla.



"Walang inggitan sa amin ni Carla," sabi ni Megan. "Feeling ko talaga, sumaya siya nang husto when I joined the cast. Because before, siya lang ang parang ate ng mga kasama namin dito. We're almost of the same age ni Carla. We also share the same interests."



Welcome daw agad si Megan sa Dos na para bang hindi na siya halos nag-adjust.

Marami rin ang nagsasabi na sa ganda ni Megan, talagang nababagay siya sa ABS-CBN dahil karamihan ng contract stars sa Star Magic ay may halong foreign blood at parang sumusunod talaga sa standard of looks and beauty na nai-set ng nabanggit na management arm. Marami rin sa boys ng Star Magic ang may crush kay Megan, na half-American at half-Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, nagkita na raw sina Megan at Angel Locsin, na gaya niya ay nagmula rin sa GMA-7. Wala siyang hangad para kay Angel kundi gaya niya ay maging masaya rin ito talaga sa ABS-CBN. Wish ni Megan na magkasama rin sila ni Angel sa isang proyekto. Huli silang nagkasama sa Asian Treasures, na huli ring nilabasang teleserye ni Angel sa GMA-7 bago siya lumipat sa Dos.

Bukod sa Abt Ur Luv ay napapanood din regularly si Megan sa fantaserye na Kokey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN