Sharon Cuneta talks candidly about KC and Gabby Concepcion

IMAGE 0


"But you know, in a way, I'm happy for him because he is experiencingthe kind of peace... I got this from KC because they were together, andI'm very happy he married a wonderful lady apparently, that I, youknow... My heart was just overflowing with joy when KC said, ‘Angbait-bait niya, Mama. She's ano, she's younger than Pup but she'sso...' Lahat ng superlative, lahat ng puri, and that is the kind oflife na I had always [wish] for her father,"



Humarap ang bagong Sharon Cuneta sa publiko sa unang pagkakataon pagkatapos niyang magpapayat bilang paghahanda sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema titled London Caregiver sa direksiyon ni Chito Roño. Nakapanayam ni Ruffa Gutierrez ang Megastar para sa The Buzz na ipinalabas kahapon, September 2.



"It's hard work! It's been hard work! South beach diet works for me!" bulalas ni Sharon tungkol sa kanyang pagbabawas ng timbang.



Ibinalita ni Sharon na next month ay magsisimula na siya sa bago niyang movie sa Star Cinema.



"I am starting here, there will be lot of scenes filmed, if I'm not mistaken, some in Manila and some in Pampanga, I think. And then, we're moving on to London and then we're moving on to Prague [Czech Republic].



"I play the role of a caregiver. An English teacher sa Pilipinas na ang asawa ay nauna na sa England a couple of years before at meron kaming anak, who will be portrayed by Makisig Morales. Tapos, parang magkakaroon ng dynamics ba ng mag-asawa na hindi na nagkita ng a couple of years. Pagdating dun, ibang kultura. Tapos merong akala niya ginagawa ng asawa niya nag-iipon, ‘yon pala may mga problema," lahad ni Sharon tungkol sa London Caregiver.



Dagdag pa niya, "The only time that I was able to shoot a movie in some other country was for Jack En Jill sa Amerika [with Herbert Bautista] because isinabay ni Boss Vic [del Rosario] sa U.S. concert tour ko."



KC CONCEPCION. Nagbigay rin ng pahayag si Sharon tungkol sa pag-uwi ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion sa Pilipinas mula sa Paris, France.



"She is still deciding on whether to live part of the time here, or part of the time in New York, or you know, she's like you likes to travel," sabi ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sobrang natawa naman si Sharon nang tanungin siya ni Ruffa kung mag-a-ala Annabelle Rama rin siya pagdating sa lovelife ni KC at kung papayag siya na magkaroon ng PG (poor guy) na boyfriend ang anak.



"Oh, I love how your mom puts it, napaka-prangka!" sambit niya. "No, no, no! My father [the late Pasay City Mayor Pablo Cuneta] used to say, ‘Kahit metro aide, anak, basta mahal ka at mahal mo.' Pero I'm sure he was praying, ‘Huwag naman yung ikaw ang magpapakain habambuhay. Dyusko, huwag namang ganun!'



"Kasi lahat naman tayo, huwag na tayong magpaka-ipokrita, lahat tayo gusto natin prinsipe ang maging asawa ng anak natin. Pero kung prinsipe naman na in the end sinasaktan ka—whether emotionally, mentally or physically—hindi ‘yan mababayaran ng... Oo, physically, emotionally, mentally. Kasi ako sa tanang buhay ko, never pa akong nasaktan physically kasi malakas din ako."



Hindi nakatiis si Ruffa at sumagot kay Sharon. Sabi ni Ruffa, siya rin daw ay malakas, pero nagawa pa rin siyang saktan ng mister niyang si Yilmaz Bektas.



"Marunong ka ba bumaril? Iyon yung isang hidden talent ko," biro ni Sharon kay Ruffa.

Muli ay nabalik ang usapan nila kay KC.



"First of all, on September 23, after Sharon is Aga's show, That's My Doc, right? Then, is the special that KC shot there in Paris. Very quietly, ABS-CBN, I think special projects, di ba? A group of them flew to Paris and just kind of documented her life, her last remaining weeks there until nakapag-empake na 'ata siya," kuwento ni Sharon.



Napag-usapan din kung gaano kasaya ang puso ni KC ngayon.



"Sa pagkakaalam ko, masaya naman siya. Parang baka nga mas masaya pa, e. Kasi wala naman siyang pinuproblema. Yung mga friends niya, yung problema ng bansa. Ako, 'pag namumroblema si Kiko [Sen. Francis Pangilinan, her husband], naa-affect ako," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GABBY CONCEPCION. Naungkat din ang tungkol sa ama ni KC na si Gabby Concepcion.



"Well, her father is, I will say is... I will refuse to say the past tense because he still is one of the best actors the industry has ever have. And it makes me a bit sad that somebody as good in his job, and as good-looking as he is, just doesn't wanna, I mean, get back in the business.

"But you know, in a way, I'm happy for him because he is experiencing the kind of peace... I got this from KC because they were together, and I'm very happy he married a wonderful lady apparently, that I, you know... My heart was just overflowing with joy when KC said, ‘Ang bait-bait niya, Mama. She's ano, she's younger than Pup but she's so...' Lahat ng superlative, lahat ng puri, and that is the kind of life na I had always [wished] for her father," sabi ni Sharon.

Papayagan ba niya na gumawa ng movie si Gabby with KC if ever may offer?

"Oh, dear! That's something I have to admit I have not allowed myself to think about. Actually, the first question pa lang before that was somebody actually asked me, ‘Would you be open to do a movie with Gabby?' ‘Ha?'" sabay tawa ni Sharon.

"A hundred million? Not even! Parang you're gonna put my heart through the blender, not for anything. Alam mo bakit? Kahit okay na kami, may sarili nang buhay yung tao. I've been married to Kiko for eleven-and-a-half years.

"Ang ayoko, kahit sabihin mong dalaga na yung anak namin at may sarili nang isip, alam mo paglalaruan kami. I don't like anybody disrespecting my husband or his [Gabby's] wife. In that way, neither of them deserves that and we certainly don't deserve it," pagtatapos na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN