Marian Rivera reacts to "New Queen of Primetime TV" tag

IMAGE 0


"Hanggang ngayon po napi-pressure pa rin ako, tulad noong una nainiisip ko kung paano ako tatanggapin ng tao. Pero pinagbubuti ko polahat, mula sa aking boses at sa performance ko bilang si Marimar," replies Marian Rivera when asked about her tag as the new queen of primetime TV.



Catfight nina Marian Rivera (Marimar), Katrina Halili (Angelika), Sheena Halili (Monica) ang inabutan na eksena ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin ang taping ng Marimar sa Hotel Pat'il & Beach Resort sa Punta Uian sa San Antonio, Zambales last Monday, September 3. Ang naturang beach resort ang nagsisilbing Santibañez Resort ng Marimar.

Dala ni Marian ang ilang hibla ng extension hair niya pagkatapos ng catfight scene nila nina Katrina at Sheena. Kuwento ni Marian sa PEP, panglima na raw iyon sa mga natanggal at kailangang ikabit ulit.

Nakausap namin si Marian pagkatapos niyang tanggalin ang mga dugo-dugo sa kanyang braso dahil sa catfight scene nila. Kapansin-pansin na mas umitim ngayon si Marian, hindi gaya dati napinuproblema pa niya kung paano paiitimin ang sarili. Hindi raw kasiumuulan at matindi ang sikat ng araw kaya lahat sila ay umiitim na.

"PRIMETIME QUEEN." Isa't kalahating taon pa lang sa showbiz si Marian, pero naka-anim na teledrama na siya sa GMA-7. Kabilang na rito ang biggest break niya so far, ang Marimar.

Dahil sa Marimar, siya na raw ang "bagong pantasya ng bayan" at "primetime reyna" sa TV dahil sa consistent na mataas na rating nito. Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

"Maraming salamat po kung naseseksihan sila sa akin," panimula ni Marian. "Hanggang ngayon po napi-pressure pa rin ako, tulad noong una na iniisip ko kung paano ako tatanggapin ng tao. Pero pinagbubuti ko po lahat, mula sa aking boses at sa performance ko bilang si Marimar. Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga nanonood ng Marimar at sana hanggang sa huli, tangkilikin ako ng mga televiewers."

Nagbigay rin ng pahayag si Marian kaugnay ng pagkukumpara sa kanya sa ibang malalaking artista.

"Hindi naman po siguro ako dapat i-compare sa mga big stars na," medyo naiilang na sabi ng young actress. "Iba-iba naman po siguro ang level namin. Pero natsa-challenge po ako para pagbutihin ko ang pag-arte ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga tumatawag na ba sa kanya ng Marimar kapag wala siya sa taping?

"Opo," sagot niya. "Minsan nagsimba kami ni Popoy [Caritativo, her manager] sa Magallanes. Nang makita ako ng mga tao, may mga nagsabi ‘Ay, si Marimar!' Sabi ni Popoy, pumikit na lang daw ako. Pero nakakahiya po dahil nasa loob nga kami ng simbahan."

May epekto na ba sa kanya ang pagiging Marimar?

"Siguro po, ‘yong halos nawalan na ako ng time sa lola ko dahil hindi na ako nakakauwing madalas sa Cavite. Nagtatampo na siya. Kaya noong August 30, bago ako nagpunta sa taping, nag-bonding po kami ng lola ko. Nagsimba kami sa Baclaran, nag-dinner kami sa Dampa sa Roxas Blvd. Nag-sorry po ako sa kanya at nagpaalam na rin po ako pagkatapos dahil kailangan ko nang bumalik dito sa Zambales.

"Kahit po noong birthday ko last August 12, hindi rin ako nakapag-celebrate. Nandito kasi ako sa taping. Okay na po sa akin ‘yong birthday celebration na ibinigay ng SOP sa akin, kasabay ng paglu-launch sa akin bilang si Marimar at yung mataas na rating sa pilot week namin," lahad ni Marian.

SERGIO. Noong birthday ni Marian ay niregaluhan siya ng leading man niya sa Marimar na si Dingdong Dantes ng anti-gravity chair. Pero hindi raw ito dinadala ni Marian sa taping dahil kumportable naman daw sila sa location nila. Ginagamit daw niya ‘yon sa shooting niya ng Desperadas, ang isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Napag-usapan na rin lang si Dingdong, na gumaganap bilang Sergio, ay inusisa namin si Marian kung ano ang pakiramdam niya sa dami ng kissing scenes nila sa Marimar.

"Totoo po. Sabi nga ni Direk Joyce [Bernal], iniiba na lang daw niya kung minsan ang script dahil wala na raw kaming ginawa ni Dong kundi mag-kissing. Matamis, nag-iisa pong prutas ang lasa ng lips niya," natatawang sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Very thankful po ako kay Dong dahil very supportive siya sa akin. Hindi ko po malilimutan ang sinabi niya sa akin na ‘Sana pagdating ng panahon at papipiliin ka ng pinakagusto mong leading man, sana ako ‘yon, dahil ginawa ko ang lahat para sa iyo.'

"Napakabait din po ni Dingdong at hindi niya ako pinababayaan. Kapag oras na ng pagkain, tatawagin niya ako. Maasikaso din po siya. Kung hipon ang pagkain namin, ipagbabalat pa niya ako.

"May biruan tuloy kami na kapag hindi kami ang magkaeksena, parang nakakatamad magtrabaho. Pero biruan lang naman po ‘yon dahil pare-pareho kaming tutok sa bawat eksenang gawin namin."

Nakita na ba niya ang September issue ng Cosmopolitan magazine kung saan nag-pose na ng nude si Dingdong?

"Opo, ipinakita niya sa akin," sagot ni Marian. "Sabi ko, ‘you're so sexy.' Malapit na rin po akong mag-pictorial para sa Cosmopolitan, ako po ang cover sa October issue nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN