Paolo Contis throws a birthday bash for "Anghelita" co-star Krystal Reyes

IMAGE 0


"Tuwang-tuwa nga po ako sa party na ito. Talagang napakabait nina Kuya Paolo at Ate Isabel sa akin," says child actress Krystal Reyes about her Mga Mata ni Anghelita co-stars Paolo Contis and Isabel Oli.



Masaya ang naging selebrasyon ng 11th birthday ng child star na si Krystal "Anghelita" Reyes sa The Red Barn, Tiendesitas, Ortigas, Pasig City, noong September 3. Hindi mailarawan ni Krystal ang ligaya dahil first time niyang mag-celebrate ng ganung kalaking party.

Present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nasabing party na birthday gift sa child actress ni Paolo Contis, kasamahan ni Krystal sa Ang Mga Mata ni Anghelita ng GMA-7. Si Paolo ang gumastos ng lahat mula sa venue, food, giveaways, video and pictorial coverage.

Ayon kay Paolo, ito ang unang pagkakataon na nagregalo siya ng isang party.

"Natuwa kasi ako kay Krystal dahil napakabait na bata niya. Naging close kami sa Anghelita at kami lagi ang magkakasamang tatlo nina Isabel [Oli, his girlfriend] at Krystal."

Idinagdag pa ni Paolo na nang nagkukuwentuhan sila minsan ni Krystal, nasabi nitong never pa siyang nakakapag-celebrate ng malaking party. Kaya naman ito ang naisip ibigay na regalo ng aktor.

"Kaya nga nagtatawanan kami kasi kapag nasa harap kami ng camera, nandoon yung sinasaktan ko si Krystal, pero kapag tapos na ang take, sweet na uli kami. Para ngang siya talaga ang baby namin ni Isabel, e," nakatawang pahayag ni Paolo.

"Hanga kasi ako sa kabaitan ng batang ‘yan," patuloy niya. "Imagine yung bike, sinabi ko kung gusto ng kapatid niya sa kanila na lang at huwag nang gawing gift sa game. Sabi niya, ‘Hindi po, ibigay na lang natin.' Yung puppy, sabi ko, sa kanya na lang din kung gusto niya, pero sabi pa rin niya, ‘Hindi po, regalo na lang sa games natin.' Tingnan mo, kung wala siyang malinis na puso, hindi niya maiisip ‘yon, di ba?"

Naa-appreciate naman nang husto ni Krystal ang gesture ni Paolo kaya labis ang pasasalamat niya sa napakaganda at napakalaking regalong ito sa kanya ng kanyang co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuwang-tuwa nga po ako sa party na ito. Talagang napakabait nina Kuya Paolo at Ate Isabel sa akin. Kapag nasa taping nga po kami, bago dumating ‘yan sa taping ay tatawag pa at nagtatanong kung ano ang gusto kong pasalubong. Mga ganung bagay po na talagang nakaka-touch. Tapos niregaluhan pa ako ni Ate Isabel ng Crocs, ito nga po suot-suot ko na," pagmamalaki pa ni Krystal.

Pati ang Mommy Apol ni Krystal ay nagpahayag din ng pasasalamat kay Paolo. "Akala ko nga nagbibiro lang si Paolo kaya hindi ko siya sinasakyan. Lagi niyang sinasabi sa amin ni Krystal na kung gusto raw ba ng anak ko ng party. Hanggang sa tinawagan niya kami one time at sinabing magpunta nga kami rito sa Red Barn at mag-pictorial para sa invitation ni Krystal.

"Wala kaming ginastos ni isang kusing. Ang pinakapagod nga lang namin dito ay yung nag-pictorial kami. Tapos sabi ni Paolo, ‘O Mommy, gusto ko punuin mo ng bisita ang party ha, ikaw na ang bahala doon,'" kuwento ng ina ni Krystal.

Kabilang sa wish ni Krystal ang manatiling maganda ang takbo ng kanyang career, pati na ang good health ng kanyang pamilya at sa mga mahal niya sa buhay.

Dumalo sa birthday party ni Krystal ang ang kasamahan niya sa Mga Mata ni Anghelita gaya nina Sheryl Cruz, Ian Veneracion, Mai-Mai Davao, Mark Herras, Yna Asistio, John Feir, at iba pa. Naroon din ang mga kaibigan na miyembro ng grupong Sugarpop, Nadia Montenegro, at mga staff ng programang Art Angel. Dumating din ang mga taga-GMA Artist Center sa pangunguna ng big boss nitong si Ms. Yda Henares.

Binigyan naman kahapon, September 4, ng recognition ni San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Eduardo Roquero si Krystal dahil sa mga achievement nito sa murang edad. Pupuntahan din si Krystal ni Susan Enriquez sa kanyang paaralan sa Grace Christian Academy at ipapalabas ito sa show na Kay Susan Tayo this Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN