Mark Herras: "Hindi importante sa akin ang pagkakaroon ng girlfriend."

IMAGE 0


"Ewan ko, parang sa stage ko ngayon, hindi naman importante kasi sa akinang pagkakaroon ng girlfriend. Siyempre kahit naman hindi ko sinasabi,importante sa akin yung trabaho ko," says Mark Herras.



Magkaibang-magkaiba ang roles ni Mark Herras sa teleserye na Mga Mata Ni Anghelita at sa fantaserye na Fantastic Man. Kung sa Anghelita ay nagiging taong-lobo siya, sa Fantastic Man naman ay isa siyang superhero.

Sinabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na gusto raw niya ang gumanap ng iba't ibang klase ng roles dahil mahilig siya sa variety. Biro namin sa kanya, ganito rin kaya siya pagdating sa kanyang lovelife kaya iba-iba rin ang girlfriends niya?

"Ang ganda ng segue mo!" tawa ni Mark.



Kumusta ang lovelife niya?

"Tahimik pa rin," matipid na sagot niya.

Choice ba niya na wala siyang girlfriend ngayon?

"Sa ngayon, honestly, wala," sabi ni Mark. "Every night, kung wala akong trabaho, pagko-computer lang ang ginagawa ko. Ewan ko, parang sa stage ko ngayon, hindi naman importante kasi sa akin ang pagkakaroon ng girlfriend. Siyempre kahit naman hindi ko sinasabi, importante sa akin yung trabaho ko."

Happy si Mark na maganda ang ratings ng shows niya, lalo na ang Mga Mata ni Anghelita. Mahalaga kasi para kay Mark ang ratings. "Oo naman, talagang inaabangan ko," pag-amin niya.

Bukod sa Mga Mata ni Anghelita at Fantastic Man ay nag-guest din for a while si Mark sa youth-oriented show na Boys Nxt Door. Ano ang pakiramdam ni Mark na makasama ang mga bagong batch ng StarStruck, kung saan din nagsimula ang showbiz career niya?

"Actually, before, matagal ko nang gustong mapasok sa ganung klaseng... Kasi, di ba, nabitin kami sa Click and yung sa Joyride? Tapos yung roles ko agad, medyo mature roles agad, so na-miss ko yung mga ganun. Pero pagdating ko dun sa Boys Nxt Door, feeling ko ako yung kuya," natatawang pahayag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN