Jenica Garcia says she has no problem with Mart Escudero's former loveteam

IMAGE 0


"Wala naman kaming away ni Kris. Kung ano yung naging problem nila ni Mart, sila lang ‘yon. Wala akong kinalaman dun," says Jenica Garcia (left) about Kris Bernal (right), who used to be Mart Escudero's (middle) loveteam.



Hindi pa man natatapos ang soap drama na Impostora ay may bagong show na kaagad ang loveteam nina Mart Escudero at Jenica Garcia. Kasama sila sa bagong handog ng Sine Novela ng GMA-7 na Pasan Ko Ang Daigdig.



Bagama't ang bida sa remake ng Sharon Cuneta movie na ito ay sina Yasmien Kurdi at JC de Vera, tiyak na aabangan din ng mga manonood ang team-up nina Mart at Jenica. Bukod sa Pasan Ko Ang Daigdig ay magkasama rin ang dalawa sa Sunday youth-oriented drama na Boys Nxt Door.



Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Mart at Jenica ang pakikipagtrabaho nila kay Kris Bernal sa set ng Boys Nxt Door. Originally kasi ay si Kris ang ka-loveteam ni Mart dahil sila ang nanalo bilang Ultimate Loveteam sa StarStruck: The Next Level. Pero biglang nabaling ang atensiyon ni Mart kay Jenica nang magkasama sila sa Impostora at naiwan sa ere si Kris.



Ayon kay Jenica ay wala naman silang problema ni Kris. Ang bait-bait nga raw ni Kris sa kanya at tuwing may mga eksena sila, parati raw itong nakasuporta sa kanya.



"Wala naman kaming away ni Kris. Kung ano yung naging problem nila ni Mart, sila lang ‘yon. Wala akong kinalaman dun. Tsaka ang bait talaga niya at palangiti. May bonding na nga kami ni Kris tuwing taping ng Boys Nxt Door," sabi ng anak ni Jean Garcia sa presscon ng Pasan Ko Ang Daigdig kagabi, September 4.

Napag-uusapan ba nila ni Kris si Mart?



"Ay, hindi naman!" tawa ni Jenica. "Ang mga eksena namin yung napag-uusapan namin parati. Tsaka parating kasama si Mart at si Aljur [Abrenica] sa mga scenes namin ni Kris. Trabaho ang madalas na pag-usapan namin ni Kris."



Para naman kay Mart, natutuwa ito't magkasundo ang dalawang babaeng malapit sa kanya. Sinabi nga nito na okay na sila ni Kris at civil naman sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi na namin napag-usapan ni Kris yung mga naging problema namin," sabi ni Mart. "Understood na siguro na we don't need to talk about it kasi baka lumaki lang lalo. Ang mahalaga ay okay kami mag-work together. Professional pa rin kami no matter what happens."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN