Polo Ravales wants to be friends with ex-girlfriend Ara Mina

IMAGE 0


Despite their gap, hunky actor Polo Ravales remains hopeful that he and ex-girlfriend Ara Mina would still end up as friends in the long run. "Hindi naman kami magkaaway at hindi kami nag-aaway. Tingin ko magiging magkaibigan kami. In time, magiging okay din kami," says an optimistic Polo Ravales.


Aminado ang sexy actor na si Polo Ravales na maging siya ay nagtataka sa ipinapakitang inis ng dati niyang girlfriend na si Ara Mina.

"Ewan ko. Hindi ko din talaga alam," pahayag ni Polo nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, September 4, sa presscon ng Pasan Ko ang Daigdig sa Plaza Ybarra restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

Ayon kay Polo ay wala siyang nakikitang dahilan para magalit sa kanya si Ara dahil maayos naman daw ang kanilang naging paghihiwalay.

Matatandaang nagsimula ang issue sa pagitan nina Polo at Ara nang dumalaw ang kapatid ng aktor na si Ashley Gruenberg kasama ang ilang kaibigan sa taping ng Lupin ilang buwan na ang nakararaan. Napabalitang kasama ni Ashley noon ang Fil-Canadian beauty queen na si Rizza Santos na hinihinalang pinupormahan ni Polo matapos ang relasyon nito kay Ara.

Hinala ni Polo, iba ang naging dating kay Ara ng nasabing "harmless visit," dahilan upang sumama ang loob ng dating nobya sa kanya.

"Hindi ko niligawan. Wala talaga," mariing tanggi nito nang aming usisain kung nanligaw nga ba siya kay Rizza.

Samantala, inamin ni Polo na minabuti na lang niyang hindi makipag-usap kay Ara through phone patch nang mag-guest ito sa Startalk. Sa nasabing guesting, halatang inis ang sexy actress kay Polo bagama't hindi naman nito nilinaw kung ano ang eksaktong dahilan.

"Ayoko lang kasing palakihin pa," katuwiran ni Polo. "Feeling ko, hindi din kasi magiging maganda yung takbo ng pag-uusap kaya huwag na lang. Gusto ko kung mag-uusap man kami, yung personal at hindi sa TV. Tapos na e, gusto ko lang maging magkaibigan kami."

Nagpapansinan naman daw sila ni Ara kapag nagkikita sila sa ilang showbiz functions. Bagama't hindi niya itinanggi na normal lang na mailang pa rin sila sa isa't isa.

"Hindi naman kami magkaaway at hindi kami nag-aaway. Tingin ko magiging magkaibigan kami. In time, magiging okay din kami," positibong sabi ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw, masaya siya sa pagiging single dahil mas marami raw siyang oras para sa kanyang sarili at mas napagtutuunan niya ng pansin ang kanyang career.

"Gusto ko lang munang maging single para 'yong time ko, sa akin lang," nakangiting pagwawakas ni Polo, na gaganap bilang Tony sa GMA-7 teleserye na Pasan Ko ang Daigdig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN