MTRCB Chair Consoliza Laguardia reacts to resignation issue

IMAGE 0


"I serve in the pleasure of the president. Siya ang nag-appoint sa akin at siya rin ang puwedeng magsabi kung kailangan ko nang umalis," replies MTRCB Chair Consoliza Laguardia about Congressman Bienvenido Abante's request for her to resign. This is in connection with the alleged failure of Chairman Laguardia to guard the "Wilyonaryo" controversy.



"I am calling on the chairperson of the MTRCB to resign because she is not doing her job."

Ito ang maaanghang na salita ni Congressman Bienvenido Abante sa kanyang interpolation speech sa Senado noong September 4. Ayon sa kongresista ng 6th district ng lungsod ng Maynila, naging pabaya raw si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Consoliza Laguardia sa pagbabantay at hindi raw ito nagkaroon ng sapat na initiative para imbestigahan ang iregularidad sa "Wilyonaryo" segment ng noontime show ng ABS-CBN na Wowowee noong August 20.

"Laguardia pa naman ang kanyang pangalan, hindi niya naguwardiyahan ang mga pangyayari," diin ni Rep. Abante. "It is the mandate of the MTRCB to investigate. Sabi po ni Chairperson Laguardia dapat mag-file ng formal complaint bago nila imbestigahan dahil it is not their concern? It is their concern!"

Samantala, isang malaking ngiti lang ang sinagot ni Chairman Laguardia sa isyu nang esklusibo siyang kapanayamin ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa kanyang reaksiyon. Hindi niya raw pansin ang ganitong mga patutsada.

"I serve in the pleasure of the president," ani Laguardia. "Siya ang nag-appoint sa akin at siya rin ang puwedeng magsabi kung kailangan ko nang umalis."

Agad ding nagbigay ang MTRCB Chair ng isang mensahe para kay Congressman Abante.

"Ire-request ko rin siya na medyo umatras at makipag-usap din sa DTI [Department of Trade and Industry] para sabay-sabay naming maguwardiyahan itong telebisyon," sabi ni Chairman Laguardia patungkol kay Rep. Abante.

Ipinunto rin ng MTRCB Chair na sa pagkakataong ito ay hindi raw siya nagkulang sa inisyatibo sa pagbabantay sa nangyari sa Wowowee. Iginiit din ni Laguardia na hindi raw saklaw ng kanyang ahensiya ang mga nangyari sa show.

"It is in the fair view of the DTI yung mechanics ng game sa show," saad ni Chairman Laguardia. "Classification board kami. Kina-classify namin kung for general patronage or parental guidance yung lumalabas sa telebisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung inisyatibo rin lang daw ang pag-uusapan, ayon kay Chairman Laguardia, gumawa rin naman daw siya ng hakbang para pagkasunduin ang dalawang nagbabangayang hosts na sina Willie Revillame ng Wowowee at Joey de Leon ng Eat Bulaga.

Samantala, kinumpirma ni DTI Undersecretary Zeny Maglaya na bumuo na sila ng isang task force para imbestigahan ang nangyari sa "Wilyonaryo" segment ng Wowowee. Matapos nilang itanggi noong una, inamin na rin ng DTI na saklaw nga nila ang mga regulasyon sa mga palarong umeere sa telebisyon at hindi na kailangan ng DTI permit.

"Kung merong ganitong mga incident, hindi natin puwedeng hindi makialam. We have to investigate it. May nangyari na, e," saad ng opisyales ng DTI.

Alinsunod na rin sa pakiusap ni Senator Mar Roxas, sisimulan na ng DTI ang imbestigasyon sa Wowowee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN