Rachelle Ann Go defends boyfriend Christian Bautista against gender issue

IMAGE 0


"Alam ko naman kasi, kahit sinong lalaki, basta pumasok sa showbiz, hindi mawawala ang gender issue. Na bakla, di ba? So, wala. Never na pumasok... Tsaka sa tagal ko ba namang kasama yung isang tao, siyempre malalaman mo naman, di ba?" reacts Rachelle Ann Go when asked about rumors questioning the gender of her boyfriend, Christian Bautista.



Binigyan ng presscon ng Viva Artists Agency ang mga "virgin talents" nila sa isang restaurant sa Timog kahapon, September 5. Considered virgins dahil lahat sila ay under the zodiac sign of Virgo. Isa na rito ang singer na si Rachelle Ann Go who celebrated her 21st birthday last August 31.



Kagagaling lang daw ni Rachelle at ng kanyang boyfriend na si Christian Bautista from their show in Hong Hong days before her birthday.



"Nagkaroon kami ng show dun, mga four days din kaming nag-stay sa Hong Kong. Pero yung two days, parang pasyal-pasyal na namin. Nagpunta rin kami sa Disneyland, and of course, shopping," masayang kuwento ni Rachelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



One year and seven months na rin daw ang itinatagal ng relationship nina Rachelle at Christian. Kahit silang dalawa raw ay hindi makapaniwala na umabot na sila ng ganun katagal.



"Nakakatuwa, masaya," sambit ng female singer. "Kasi kahit si Christian, parang nagugulat din siya. Sabi nga niya, ‘One year and seven months na rin tayo. Parang kailan lang.'

"Happy naman kami. Wala naman mga away-away. Kung meron man, sobrang maliliit na bagay lang. 'Pag minsan, pagod na sa trabaho, mainit ulo. Basically, ganun lang."



GENEROUS BOYFRIEND. Siyempre pa, tinanong ng PEP si Rachelle kung ano ba ang ibinigay na regalo sa kanya ni Christian noong nakaraan niyang birthday.



"Marami, e," sabi ng singer. "Pero yung isa, yung Louis Vuitton na bag. Yung iba, hindi niya ibinigay nang sabay-sabay."



Ayon kay Rachelle, napapansin daw niya ang pagiging galante ni Christian.



"Galante siya. Kasi kapag may alam siyang gusto ko, binibili niya talaga. Pero ako kasi, parang pareho kami, kuripot kami kapag sa sarili lang namin. Parang naiisip namin na huwag na lang bilhin kahit gusto namin, kasi sayang. Then, si Christian, siya yung basta nalaman niyang gusto ko, bibilhin niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa lang si Rachelle nang biniro siyang baka mapagkamalan naman siyang bilmoko girl.



Si Christian daw ang kauna-unahang boyfriend ni Rachelle at siya rin ang first girlfriend ng male singer.



"Sinasabi nga ni Christian na gusto niya talaga, kung sinuman yung first girlfriend niya, ‘yon na rin ang makakatuluyan niya. Ako rin, noong mas bata-bata pa ako, madalas ko ring sabihin na gusto ko, kung sino rin yung first boyfriend ko, ‘yon na ang mapapangasawa ko.



"Sana nga, sana kami na yung magkatuluyan. Pero siyempre, hindi pa naman ngayon. Matagal pa. Minsan napag-uusapan, pero hindi pa talaga yung ngayon na. Siguro kung kami talaga, mga ilang years pa siguro," lahad ni Rachelle.



GENDER ISSUE.
Magkasama rin sina Rachelle at Christian sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '07, kung saan kasama rin nila ang mga heartthrobs na sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Lately ay madalas na napagkikitang kasama ni Christian ang ASAP boys gaya nga nina Piolo at Sam. Aware na rin pala si Rachelle na may nagbibigay ng malisya sa barkadahan ng tatlo.



"It's because of the Bible study, ‘yon lang. Pero ang daming lumalabas, iniintriga sila. Ewan ko ba dun!" natatawa niyang sabi.



May pagkakataon din daw na nakakasama si Rachelle sa Bible study ng grupo.



"Nakakasama ako sa kanila, pero ako kasi yung taong hindi kasi ako ma-share. Like sa Bible study, kailangan may maise-share ka sa buhay mo. E, sabi ko, hindi ko alam. Hindi ako ma-share na tao. Tsaka nahihiya ako, ang daming tao, tapos magse-share ka. Parang hindi ko yata kaya!" tawa niya ulit.



Hanggang ngayon ay Katoliko pa rin daw si Rachelle, pero aminado siyang sumasama siya kay Christian paminsan-minsan.



"Nag-a-attend kami sa Victory [Fellowship] sa The Fort. Actually, naisasama ko rin ang family ko at nae-enjoy nila. Klaro sa amin ang message. Pero so far, ayoko pa namang magsalita ng tapos, sa ngayon, Catholic ako," paglilinaw ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero ano ang reaksiyon ni Rachelle na hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang gender issue sa boyfriend niya at kinukuwestiyon ang pagiging close nito sa ibang ASAP boys?



"Ay, nabasa ko rin ‘yon! Wala! Wala lang, hindi ako nagdududa at all. Kasi nakasama ko na sila. Tsaka wala lang naman talaga. Parang barkada lang. Sobrang cool lahat. Nagtutulungan kahit sa trabaho. So, wala talaga.



"Alam ko naman kasi, kahit sinong lalaki, basta pumasok sa showbiz, hindi mawawala ang gender issue. Na bakla, di ba? So, wala. Never na pumasok... Tsaka sa tagal ko ba namang kasama yung isang tao, siyempre malalaman mo naman, di ba?" pagtatanggol ni Rachelle sa boyfriend.



Pagdating naman sa kanyang career, tulad ni Sarah Geronimo ay open din si Rachelle na magkaroon ng acting projects. Meron na nga raw silang naka-lineup na movie ni Christian sa Regal Entertainment, pero magwa-one-year na raw ay hindi pa rin sila natutuloy mag-shooting. So far, wala pa raw silang ideya kung tuloy pa nga ang movie na gagawin nila.



Rachelle is still promoting her third album, ang Obsession. Pero nagsisimula na rin daw silang magplano for her fourth solo album na, most likely, puro revivals naman. Sa October naman ay magkakaroon silang muli ng US tour ni Christian for their concert series na You & Me.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN