Beauty queen Rizza Santos clarifies incident involving Polo and Ara

IMAGE 0


Former Ms. Earth-Canada Rizza Santos airs her side regarding the incident that happened on the set of Lupin, which also involved former couple Polo Ravales and Ara Mina.



Sa nakaraang pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dating Miss Earth-Canada na si Rizza Santos, itinanggi nito na may special relationship sila ng kanyang co-Viva Artist Agency (VAA) talent na si Mark Bautista.

'Tapos ay nakita namin mismo si Rizza kasama ang sexy actor na si Polo Ravales coming out of a restaurant sa Tomas Morato, together with Frank Garcia and Polo's sister, Ashley Gruenberg. Sinundan pa ito ng isa, minus Frank but still with Ashley and Rizza's brother who was visiting the Philippines then.

Matatandaang nagkaroon ng tension noon sa set ng Lupin. Naibalita kasi na may kasama raw na "non-showbiz girl" noon si Polo together with his sister Ashley sa set. Nakita raw ng ex-girlfriend ni Polo na si Ara Mina, na kasama niya sa Lupin, na nagtatawanan sina Ashley at yung girl while she was taping a scene. Si Rizza pala ang tinutukoy na "non-showbiz girl" na kasama ni Polo.

Nakausap ulit ng PEP si Rizza sa presscon na ibinigay ng VAA para sa Virgo-born stars nila last September 5, kaya inusisa namin siya tungkol sa naturang insidente sa set ng Lupin.

"I'd like to explain muna that it's not really her [Ara] we were talking that time with Ashley," umpisa ni Rizza in Taglish. "I'm a big fan of Richard [Gutierrez], I have all his DVDs even in Canada. It was Richard we were looking talaga. At that time with Ashley, we were acting like schoolgirls when we saw him. Gusto naming magpa-picture sa kanya. Ang nangyari, while we were looking at Richard, Ara was looking at us, and so, napapatingin din kami nang nakatawa."

Nilinaw ni Rizza na si Ashley raw ang sinasamahan niya, hindi si Polo.

"Ashley and I call each other ‘sis.' She is my first friend in the Philippines. I even live with her family for a week. No, Polo lives in a separate house so he wasn't there when I'm staying with his family. The two dinner dates are just hanging out with friends," paliwanag ni Rizza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, may iba naman daw silang kasama like her brother who was visiting at that time.

"Hindi nanliligaw sa akin si Polo," diin ni Rizza. "After that, hanggang text lang kami. Binati niya ako noong birthday ko through text lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN