Wendy Valdez on Bruce Quebral: "Hindi naman kami at hindi rin naman kami sa PBB."

IMAGE 0


"Pero kahit naman sa loob, wala naman kaming kinu-confirm. Alam naman‘yon ng mga nanood na wala naman talaga kaming kinu-confirm na kami," says Wendy Valdez about the real score of her relationship with former Pinoy Big Brother co-housemate Bruce Quebral.



Ang pagte-taping pa rin ng kanyang first soap opera na Margarita ang pinagkakaabalahan ng pinaka-controversial housemate sa nakaraang Pinoy Big Brother Season 2 na si Wendy Valdez. Pero ayon kay Wendy, happy naman daw siya sa nagiging takbo ng show nila.

Aware din daw siya sa ilang write-ups na pinupuna ang klase ng pagsasayaw niya sa Margarita. Ayon sa write-ups, kailangan pa raw niyang pagbutihan ang kanyang pagsasayaw o di kaya ay mag-dance workshop siya, lalo pa nga't star dancer ang role niya sa naturang soap opera ng ABS-CBN.

Sagot naman ni Wendy, "Hindi naman talaga ako magtataka dun. Kasi, hindi naman talaga ako dancer, singer naman talaga ako. Pero kunwari, plinano kong mag-workshop, hindi ko rin mapagsasabay sa taping.

"Ang nangyayari sa akin, yung rehearsal at taping, napagsasabay-sabay ko na. Siyempre, magpapahinga pa ako kaya hindi rin ako makakuha ng time para mag-workshop. Hindi naman talaga yung pagsasayaw lang ang focus ng Margarita, e, part lang siya," paliwanag ni Wendy nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Margarita.

Dagdag pa niya, ang pangit din daw siguro na sobrang tutukan niya ang dancing skill niya, pero pagdating sa aktingan ay bopol naman siya.

"Kumbaga, bakit hindi na lang kaya ako mag-ASAP kung puro dancing lang ako or singing, di ba?" rason niya.

Hindi ba siya nao-offend sa mga ganung komento sa kanya?

"Ay, hindi!" sambit niya. "Kasi parang yung mga tao naman talaga, bisyo nilang talaga na maghanap ng mali sa kapwa nila. Alam ko na talagang maghahanap sila ng ganyan. So, parang... like, sinabi ko nga, hindi naman ako dancer kaya hindi ako nagugulat."

MISQUOTED. Okay lang daw siya kahit na ano ang isulat sa kanya, huwag lang daw yung tipong may dinadagdag sa sinasabi. Ibinigay niyang halimbawa ang naging kinalabasan ng kanyang statement sa five-million pesos at kung ano ang kaya niyang gawin kapalit nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang sa akin ‘yang one-liner na nilalagay nila sa akin. Pero ang problema kasi diyan, kinukulangan at iniiba. Noong isang beses na nagbasa ako, yung sinabi ko, iniba kaya napipikon ako. Kaya sabi ko, 'Naku, ipagdadasal ko na lang ang mga taong ‘yon.' Naiinis talaga ako sa ganun.

"Kasi, noong last time na na-interview ako," patuloy niya, "ang nakalagay kasi kung sa five million ay papayag akong magsayaw. Kaso, ang inilagay doon, kung sasama ako sa DOM at makipag-one night stand. Naloka ako dun! 'Tapos, ang nakalagay pa dun, sumama raw ang loob ni Bruce [Quebral] sa ganun. Nakakainis siyempre!"

RELATIONSHIP WITH BRUCE. Speaking of Bruce, ano na ba ang estado ng relasyon nila ng co-housemate niya sa Bahay Ni Kuya? Marami kasi ang nalalabuan sa tunay na relasyon nila.

Kung noong nasa PBB house ay tila may pagkakaunawaan na sila, ngayon ay tila pinapalabas nila na wala silang anumang romantic relationship. Bakit nagkaganun?



"Hindi naman kami at hindi rin naman kami sa PBB," sabi ni Wendy. "Kahapon nga niloloko ko siya, ‘Balikan mo na nga lang ang ex mo.' Niloloko ko lang naman siya. Tinitingnan ko lang kung ano ang isasagot niya. Pero wala lang, parang nagtampo siya na bakit daw ganun."



Paniwala ng marami, even their co-housemates, sila na naman ni Bruce.



"E, kasi nga, kami ang palaging magkasama," paliwanag ni Wendy. "Pero kahit naman sa loob, wala naman kaming kinu-confirm. Alam naman ‘yon ng mga nanood na wala naman talaga kaming kinu-confirm na kami."



Pero hindi ba't pareho silang umamin na gusto at mahal nila ang isa't isa?



"Ang hirap kasi! Basta ang hirap! Lalo na ako, ang dami ko kasing iniisip. At saka kapag nagwu-work ako, 'yon nga, kahit mag-text, hindi ko magawa. Siya rin naman, ang dami niyang pinuproblema ngayon. So parang kami, hugutan lang ng lakas ng loob sa isa't isa," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ibang nanliligaw ba sa kanya?



"Naku, wala akong masyadong panahong magti-text. So, wala akong time na mag-entertain," sagot ni Wendy.



Simula raw nang nakalabas siya sa Bahay Ni Kuya, wala pa naman daw masyadong pagbabago sa kanya. Financially ay nasa point pa lang daw siya ng nag-i-invest pa lang, tulad halimbawa sa mga damit at gamit na kakailanganin niya.



"Siyempre, kaibahan lang talaga ngayon, iba talaga kapag nasa real world ka na. Mas marami ka nang taong nakakausap," sabi niya.



Wala ba siyang na-encounter na tipong galit talaga sa kanya or pinakitaan siya ng hindi maganda?



"Wala namang nang-aano sa aking mga tao. Doon lang sa Internet daw... Pero hindi naman ako nagbabasa. Hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahon. Ako ang pinag-aaksayahan nila ng oras!" natatawang biro ni Wendy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN