Maricel Soriano is now a proud grandmother

IMAGE 0


"Si Meryll, hanga ako sa kanya kasi marunong siyang magdala ngproblema. Matapang si Meryll kasi hindi siya pinalaking mahina ngkanyang magulang," says Diamond Star Maricel Soriano about her niece Meryll Soriano (inset).



Present ang buong cast ng A Love Story sa ginanap na victory party ng latest box-office hit ng Star Cinema last Tuesday, September 4, sa 14th floor ng ELJ building ng ABS-CBN. Ayon sa Star Cinema ay umabot na raw sa P140 million ang kinita ng A Love Story na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan.

Pinakamaagang dumating sa victory party ang Diamond Star na si Maricel Soriano bagama't may konting karamdaman pa rin siya simula nang dumating mula sa worldwide premiere ng movie nila nina Aga Muhlach at Angelica Panganiban.



Nagsu-shooting naman si Maricel ngayon ng pelikulang Bahay Kubo, isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival.



Sinamantala na rin ng PEP ang pagkakataon upang hingan ng mensahe si Maricel para sa pamangkin niya na si Meryll Soriano, na nagsilang sa anak nila ng estranged husband niyang si Bernard Palanca. Nasa Amerika kasi si Maricel nang isilang ni Meryll si Elijah noong August 27.



"Kamukhang-kamukha ko siya [Elijah]! Welcome to motherhood [para kay Meryll] and congratulations!" matipid ngunit masayang pagbati ng Diamond Star.



Nagsalita rin si Maricel sa pinagdadaanan ng kanyang pamangkin ngayong isa na rin itong ina gaya niya. May dalawang anak si Maricel, sina Marron at Sebastien.



"Sorry nga lang, hindi lahat ng pinagdadaanan natin pare-pareho," sabi ni Marya. "Pero si Meryll, hanga ako sa kanya kasi marunong siyang magdala ng problema. Matapang si Meryll kasi hindi siya pinalaking mahina ng kanyang magulang."



Para kay Meryll—anak ni Willie Revillame at ng kapatid ni Maricel na si Bec-Bec Soriano—nagsilbing inspirasyon niya ang kanyang Tita Maricel dahil sa katapangan nito. Ngayon ay nauunawaan na raw nang husto ni Meryll na anuman ang naging desisyon ng kanyang ina at at ng kanyang tita noon ay para rin sa ikagaganda ng buhay niya.



Samantala, proud din si Maricel sa pagsabi kung ano ang itatawag sa kanya ng apong si Elijah: "Tita Lola!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN