Gee-Ann Abrahan torn among three male PBB housemates

IMAGE 0


"Sa totoo lang, ayoko muna talagang magpaligaw or magka-boyfriend.Ayokong maguluhan kasi, kaya trabaho muna tayo. Siguro, it's nice towork with three of them. Wala munang ligaw-ligaw sana. Career muna angunahin naming," says Geen-Ann Abrahan (center) about suitors Mickey Perz (left), Kian Kazemi (right), and Bodie Cruz.



Among the girls sa Pinoy Big Brother Season 2 ay mukhang si Gee-Ann Abrahan ang pinaka-ligawin. Bukod kasi kina Bodie Cruz at Mickey Perz ay nali-link din sa kanya si Kian Kazemi, na pawang mga housemates din ni Gee-Ann sa Bahay Ni Kuya.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kian, very vocal ito sa pagsasabing type niya talaga si Gee-Ann. Nasa loob pa lang daw sila ng Bahay ni Kuya ay sinabi na niyang pinakagusto niya sa lahat si Gee-Ann. Pero dahil na-vote out agad si Kian, hindi niya nasabi kay Gee-Ann ang tunay na nararamdam.



"Nito lang naman lumabas kami, I really told her that I like her and my family likes her as well. But I'm not rushing her naman. I know na meron pa siyang mga kinu-consider. Basta ako nandito lang ako for her," sabi ni Kian.



Kuwento pa ni Kian, sinorpresa raw niya minsan si Gee-Ann with a bouquet of flowers at sinabi nito na mula ito sa kanya at sa kanyang pamilya.



"It's my way of saying that my family likes Gee-Ann, and I guess she appreciates it a lot. I know that Gee-Ann comes from a conservative family. I want to make ligaw sa paraan na magugustuhan niya at ng buong pamilya niya."



Samantala, iba naman daw ang style ni Mickey Perz kung saka-sakaling manliligaw ito kay Gee-Ann. Since lumaki nga siya sa Switzerland at tumira sa Austria, nakagisnan nito ang kakaibang style para magkaroon ng girlfriend.



"I grew up in a place where we express our emotions freely," sabi ni Mickey sa PEP. "Hindi uso sa Austria yung magbigay ng bulaklak. We come up straight and ask a girl if she wants to go out on a date. By doing that, you will also get a straightforward answer kung gusto ba niya or ayaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I know that it's traditional here in the Philippines to give flowers or gifts to someone you like. You also try to make ligaw to the whole family. There's nothing wrong with that. Hindi lang ako siguro sanay pa. I will try to learn what that is."



As for Gee-Ann, halatang naguguluhan na siya kung sino ba talaga ang pipiliin niya. Majority kasi ng kanyang mga fans ay gusto kay Mickey more than Bodie. Pero mas marami raw silang things in common ni Bodie. Kay Kian naman, malapit na siya rito at sa pamilya nito.



"Sa totoo lang, ayoko muna talagang magpaligaw or magka-boyfriend. Ayokong maguluhan kasi, kaya trabaho muna tayo. Siguro, it's nice to work with three of them. Wala munang ligaw-ligaw sana. Career muna ang unahin naming," sabi ni Gee-Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN