Alfred Vargas excited about his new business

IMAGE 0


Sexy actor Alfred Vargas ventures into business with a barbecue restaurant, which is co-owned by a business partner. "Isang restaurant na ang speciality ay puro barbecue. Pero may iba pa ring tinda—may kanin, may ibang ulam, may burgers andsandwiches—halos kumpleto. Pero ang pinaka-specialty niya talaga, porkbarbecue, pero meron ding chicken barbecue," says Alfred about his business.



Very proud ang sexy actor na si Alfred Vargas sa pagkukuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may bubuksan siyang negosyo ngayong September, isang barbecue restaurant sa Marikina.

"Bale ano siya, barbecue business. Isang restaurant na ang specialty ay puro barbecue," sabi ni Alfred. "Pero may iba pa ring tinda—may kanin, may ibang ulam, may burgers and sandwiches—halos kumpleto. Pero ang pinaka-specialty niya talaga, pork barbecue, pero meron ding chicken barbecue.

"Ang kakaiba sa negosyo namin, mura lang ang mga tinda. Like yung pork barbecue, ten pesos lang ang isang stick. Kaya maa-afford ng lahat, kahit ng mga estudyante na medyo maliit lang ang baon," tila pangse-salestalk ni Alfred sa amin.

May ka-partner daw si Alfred sa negosyo niyang ito. Isang close friend niya na non-showbiz.

"Pinag-iisipan pa namin kung magtitinda rin kami ng beer. Sabi nga kasi, okay na ka-partner ng barbecue ang beer. Pero pinag-iisipan pa namin kung maglalagay kami ng beer at videoke or magpo-focus lang kami sa pagkain, sa barbecue," pahayag ni Alfred.

Samantala, going strong pa rin ang relasyon ni Alfred at ng kasintahan niyang si LJ Reyes pagkatapos nilang mag-cool-off ng ilang buwan.

Suportado rin daw ni Alfred si LJ sa pagpu-pose nito sa isang sexy men's magazine early next year.

"Oo naman, suportado ko si LJ!" sambit ng aktor. "Ako nga, nagpaseksi na ako sa coffee tablebook ko, kaya bakit ko siya pipigilan? May isip na si LJ, alam naman niya kung ano ang tama at kung ano ang mali.

"Sa mismong pictorial niya, babantayan ko siya. Para kapag medyo may hindi magandang ipagagawa sa kanya, kapag may posing na sobrang sexy na, pipigilan ko!" natatawang pahayag pa ni Alfred.

Nabanggit din ni Alfred na medyo magla-lie low muna raw siya sa pagpapaseksi sa mga pictorial. Tutal daw ay naipakita na niya ang lahat ng kaya niyang ipakita sa coffeetable book niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This time daw, gusto niya na ang kanyang acting ability ang pansinin ng mga tao at hindi ang kanyang hubad na katawan. Ang pinakahuling pictorial ni Alfred ay para sa Cosmopolitan magazine at medyo tame nga ang larawan niya dun kumpara sa mga nauna niyang pictorials.

"Medyo pahinga muna ako diyan, " sabi ni Alfred tungkol sa sexy pictorials.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN