Ryan Agoncillo most likely to renew contract with ABS-CBN

IMAGE 0


"With the way things are going, sa pag-aaral ko sa offer ng Dos, mas malamang na sa kanila pa rin ako pumirma uli," says Ryan Agoncillo.



Mula nang mag-hit bilang artista si Ryan Agoncillo at naging kapareha ng kasintahan niyang si Judy Ann Santos, may impresyong tila naitsapuwera na ang kanyang hosting career. Hindi naman dapat mangyari ito dahil mas kinilala si Ryan bilang mahusay na host at nagkataon lang na nag-click din siya bilang aktor.

Sa first-day shooting ng Sakal, Sakali, Saklolo last September 6 ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ryan kung ano ba talaga ang gusto niyang tahaking career sa showbiz.



"Pinag-uusapan yung bagong deal with ABS-CBN that has something to do with my hosting career," sagot ni Ryan. "Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN na kahit nga hindi exclusive ang contract ko sa kanila, may ibinibigay pa rin silang trabaho sa akin.



"Pero siyempre, kung pipirma kami ng exclusive [contract] sa TV, dapat talagang may malaking pagbabago na. Gaya nga ng focus sa hosting career ko dahil dito naman ako nakilala, at ayokong pabayaan ito."



Kaugnay rin ito ng sinasabing posibilidad na masungkit ng GMA-7 exclusively si Ryan. Matatandaang nag-umpisa si Ryan sa GMA-7 at sinabi nga ng TV host-actor na hanggang ngayon ay hindi pa nila sinusunog ni Juday ang tulay nila sa Kapuso network, na sumusuporta pa rin sa kanila kahit paano.



"With the way things are going, sa pag-aaral ko sa offer ng Dos, mas malamang na sa kanila pa rin ako pumirma uli. Sa latest na pag-uusap namin ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN's head for TV production], 'yon ngang mas papabor sa hosting career ko ang kailangang pagtuunan ng pansin at mayroong mga gano'ng plano sa bagong contract," pahayag ni Ryan.



Sa pagiging mas klaro ng posisyon ni Ryan sa sinasabing lipatan issue, alam niyang kung lilipat siya sa GMA-7 ay may mababago sa ugnayan nila ni Judy Ann pagdating sa professional level. Pero hindi raw ito ang numero unong kunsiderasyon sa desiyon niyang manatili o lumipat ng istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi rin 'yon ang inisip ko dahil alam kong maiintindihan at rerespetuhin ni Juday ang anumang magiging decision ko sa career ko. Hindi kami nagpakialaman kahit minsan pagdating diyan.



"May offer ang GMA-7 sa akin through my manager [Noel Ferrer], at pinag-aaralan din namin. But as far as I'm concerned, mas malamang na pumirma uli ako ng contract sa Dos, and it will be more exclusive sa TV," sabi ni Ryan.



Pero naroroon pa rin ang pasubali kay Ryan dahil baka maghatag ng ibang offer ang GMA-7 sa kanya.



Ikatutuwa tiyak ito ng fans nina Juday at Ryan sa Ysabella dahil mas malamang na ma-extend ang naturang teleserye hanggang early next year kung ganyang mas papabor sa Dos ang pagpirma muli ng kontrata sa kanila ni Ryan.



"Crucial ang muling pagpirma ko sa ABS-CBN," sabi pa ni Ryan, "at kailangang makatiyak ako, lalo na sa klase ng mga trabahong ibibigay nila sa akin. Naging open ako sa kanila na iba na ang level ng buhay na tinatahak ko ngayon, because my concern relies on the future.



"Kailangan kong makaipon talaga ng malaki. Hindi rin natin masasabi ang paghahandang gagawin ko, lalo na ngayong I am into a very serious relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN