Long-distance relationship of Richard Gutierrez and Georgina Wilson is a problem—Annabelle Rama

IMAGE 0


"Ang relasyon naman kasi nila long distance. E, ang hirap naman ng long distance, di ba? Nagtatawagan sila. Minsanuwi siya [Georgina] after three months, after four months...mahirapnaman talaga ‘yon, di ba? Kaya naiintindihan ko rin yung reason niRichard, pero sana nga magkabalikan sila ni Georgina kasi gusto kotalaga si Georgina para sa kanya," says Annabelle Rama about the relationship of her son Richard Gutierrez and his girlfriend, Georgina Wi



Naging mainit na naman ang ginawang live interview kay Annabelle Rama sa The Buzz kahapon, September 9. Bukod kasi sa pagsisiwalat ng kanyang totoong nararamdaman tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez at sa asawa nitong si Yilmaz Bektas, nagsalita rin si Annabelle tungkol sa isa pa niyang sikat na anak na si Richard Gutierrez.

Nang hingan si Annabelle ng komento tungkol sa balita na may nakakita diumano kay Richard na may ka-date na ibang babae, tila nabuko na may problema nga sa relasyon ng young actor sa girlfriend nitong si Georgina Wilson.



"Alam mo si Richard, nag-e-enjoy lang ‘yon," panimula ni Annabelle. "Wala siyang girlfriend pero marami siyang friends. Kasi siyempre, guwapo siya. Sikat, di ba? Lapitin sa mga babae...Nasa mga babae ‘yan kung magaling silang mag-ano kay Richard, humawak. Pero right now, marami siyang girlfriends. Dini-date lang.



"Ang masasabi ko lang, sana si Richard...‘Pag-isipan mong mabuti, anak.' Gusto ko talaga si Georgina para sa kanya. Kasi si Georgina mabait, bright, responsible, nandiyan na lahat ng katangian sa isang babae.

"Ang relasyon naman kasi nila long distance," patuloy ng celebrity mom. "E, ang hirap naman ng long distance, di ba? Nagtatawagan sila. Minsan uwi siya [Georgina] after three months, after four months...mahirap naman talaga ‘yon, di ba? Kaya naiintindihan ko rin yung reason ni Richard, pero sana nga magkabalikan sila ni Georgina kasi gusto ko talaga si Georgina para sa kanya."

Ang model na si Georgina ay naka-base sa Australia kung saan ito nag-aaral.



Mabilis naman na nilinaw ni Annabelle kaya nasabi niya na sana magkabalikan ang kanyang anak at si Georgina ay dahil magkalayo sila ngayon.



"Wala kasi si Georgina sa Maynila...nasa Australia, kaya hiwalay sila, di ba? Sana nga pagbalik ni Georgina, magkaayos sila kasi boto talaga ako sa kanya," paliwanag ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Annabelle na pare-pareho ang atensiyon na ibinibigay niya sa kanyang mga anak.



"Lahat naman sila, hate na hate nila ako. 'Pag ako ang nagti-text sa kanila, kasi magti-text ako sampung pages na ano, sermon. May taga-text para sa akin, yung alalay ko, kasi hindi ako marunong mag-text," pambubuko ni Annabelle sa sarili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN