Angel Locsin answers issues linking her to Luis Manzano and Cogie Domingo

IMAGE 0


"Pagod na pagod na ako kaka-explain, na nagmumukha na akong sinungaling, na pinagtatanggol ko ang sarili ko, walang naniniwala sa akin. Paranglahat hinusgahan na ako. Napahiya na ako sa mata ng mga tao, so walaakong reaksiyon talaga," says Angel Locsin's "sex video" that turned out to be a hoax.



Kahapon ng umaga, pasado alas-sais, ay lumapag ang eroplanong sinasakyan ng young actress na si Angel Locsin galing Cebu City. Um-attend ng isang event doon si Angel para sa isa sa mga ini-endorso niyang produkto.

Kinailangang bumalik agad ni Angel ng Manila para sa guesting niya sa ASAP ‘07. A few hours after ay sumalang naman siya sa unang live appearance niya sa The Buzz, kung saan mainit siyang sinalubong ng mga hosts at ng mga tao sa loob ng studio.



Gusto raw talagang mag-guest nang live ni Angel sa The Buzz para personal na mapasalamatan ang mga hosts ng show. "Kay Tito Boy [Abunda] para sa interview. Kay Tita Cristy [Fermin] sa pagtatanggol and kay Ate Ruffa [Gutierrez]. Mahal na mahal ko ‘yung kapatid mo [Richard Gutierrez], Ate Ruffa. At kahit anong mangyari, susuporta ako sa inyo."



Kasunod nito ay ang pagsagot ni Angel sa isyu na ibinato sa kanya noon tungkol sa sex video. Napatunayan nang hindi talaga si Angel ang babae sa sex video sa paglutang ng lookalike foreign actress, na siyang nasa sinasabing video.



"Kasi unang-una sa lahat, alam ko na hindi ako ‘yon kaya alam ko po ang sarili ko. Kaya nung lumabas ‘yon na, ‘Ay, Gel, hindi nga ikaw. Merong ibang parang foreign star ‘yon.' Wala akong reaksiyon.

"Pagod na pagod na ako kaka-explain, na nagmumukha na akong sinungaling, na pinagtatanggol ko ang sarili ko, walang naniniwala sa akin. Parang lahat hinusgahan na ako. Napahiya na ako sa mata ng mga tao, so wala akong reaksiyon talaga. Kaya kapag tinatanong ako dun, ayoko na talagang pag-usapan. Parang napagod na ako na hindi po talaga ako ‘yon. At hindi ko po talaga kayang gawin ang mga bagay na ‘yon," saad ni Angel.



LUIS & COGIE.
Sumunod na itinanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Luis Manzano. Balita kasing pinopormahan siya ng anak nina Batangas Governor Vilma Santos at Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kami ni Luis, ngayon hindi ko pa talaga siya masasagot ng diretso kasi ano rin ako, e, hindi ako sigurado. Pero nagpapasalamat ako na nandiyan si Luis. Winelcome niya ako sa ABS-CBN kasi kailangan ko talaga ng bagong kaibigan na taga-ABS, and masaya naman ako na kasama ko siya," sabi niya.



Bukod kay Luis, iniuugnay rin kay Angel ang young actor na si Cogie Domingo.



"Maski dun sa dating-dating show pa na pinagsamahan namin, magkaibigan na kami," pag-amin ni Angel. "Pero si Cogie, masasabi ko na importanteng tao siya para sa akin. Kaibigan ko talaga siya, na sa hirap, ginhawa—nandiyan siya talaga para sa akin. Nung wala akong kakampi, nandun siya."



ANGEL'S FATHER. Samantala, masaya naman si Angel sa resulta ng check-up na ginawa sa kanyang bulag na ama na si Mr. Angel Colmenares sa Asian Eye Institute.



"Natuwa po ako na sinabi ng doctor niya na may possibility nga na makakita siya ulit. Kailangan lang po namin hintayin namin yung technology," masayang sabi ni Angel.



Mga tatlong taon ang ibinigay na panahon ni Angel sa paghihintay sa bagong teknolohiya na sinabi ng doktor na makakatulong sa panunumbalik ng paningin ng kanyang ama. Ito na raw marahil ang pinakamaiksing panahon na kanilang ipaghihintay.



"Ako, hindi ako nawawalan ng pag-asa," sabi ng young actress. "Asang-asa ako at gagawa at gagawa ako ng paraan para lang makakita ulit ang Daddy ko. Frustration ko ‘yon, e. Wala siyang nakita na commercial ko. Nung birthday ko, wala siyang nakitang boyfriend ko. Kung ano ba ang hitsura ko ngayon, hindi niya nakita."



FIRST SHOW ON ABS-CBN. Sa ngayon, maghahanda na si Angel para sa first project na gagawin niya para sa ABS-CBN.



"Ang dami kong training na ginagawa ngayon, e—sa acting at sa ibang bagay pa. Kasi itong soap na gagawin namin, e, kakaiba," sabi ni Angel tungkol sa soap opera nila ni Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super excite [sic] ako na magtrabaho. Gusto ko na talagang mag-taping kasi nung na-meet ko po si Direk Cathy Garcia, siya po yung direkor namin, in-explain niya sa akin kung paano yung story, na-excite po talaga ako.



"Masasabi ko na maipagmamalaki ko talaga ang project na ‘to. Kung puwede lang po bukas mag-taping na agad kami, e," excited na sabi ng young actress.



Incidentally, sa ikalawang pagkakataon na nag-guest si Angel sa ASAP '07 ay wala ang bago niyang kapareha na si Piolo dahil kasalukuyang nasa United States ang aktor. Kaya naman lalong nae-excite si Angel na magkita ulit sila ni Piolo sa pagsisimula ng kanilang TV series.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN