Rainier Castillo admits missing working with former loveteam Yasmien Kurdi

IMAGE 0


"Miss ko na siya talaga. Iba kasi yung katrabaho mo siya sa set sanagti-text-text lang kayo. Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasamaulit. Alam naman ni Yas how much I miss her na," says Rainier Castillo about former loveteam Yasmien Kurdi.


Hindi naniniwala ang young dramatic actress na si Yasmien Kurdi sa isyungkumakalat na naghihirap na ngayon ang dati niyang ka-loveteam na si RainierCastillo. Wala kasing regular project ngayon si Rainier pagkatapos ma-shelve angTasya Pantasya, na pagbibidahan sana nila ni Yasmien, at ng L.U.V. Pow na sila rin sana ang magkatambal.

Ayon kay Yasmien, imposibleng maghirap si Rainier dahil may mgaout-of-town shows naman daw ang young actor. Bukod pa sa napapanood si Rainier sa SOP at samga guestings niya sa iba pang shows ng GMA-7.

Ibinuking din ni Yasmien na kuripot si Rainier. Hindi raw ito magastos at hindiwaldas sa pera ang dating kasamahan sa StarStruck kaya sigurado raw na marami itongnaipong pera.

If ever daw lumapit si Rainier sa kanya at hihingi ng tulong napinansiyal, tutulungan niya ito basta sa mabuti gagamitin, tulad ng pambayad sabahay or sa kuryente. Pero alam ni Yasmien na imposibleng lapitan siya niRainier dahil alam niyang may pera nga si Rainier.

“Baka nga mas marami pang ipon ‘yon kesa sa akin, e!” sabi ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

If ever daw walang projects is Rainier, ang payo ni Yasmien dito aymag-aral muna sa kolehiyo. Pero imposible raw talagang mawalan ng raket angyoung actor.

Sina Yasmien at Rainier ang original na magka-loveteam pagkatapos nilangtanghaling 1st Prince and Princess sa Batch 1 ng StarStruck noon,kung saan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang itinanghal na ultimatesurvivors.



RAINIER CASTILLO. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Rainier, nalungkot ang palangiting young actor nang tanungin naman tungkol sa pagbuwag ng loveteam nila ni Yasmien. Dalawang shows na kasi nila ang na-shelve dahil mas gusto ng marami ang team-up ng young actress kay JC de Vera.



"Aware naman ako dun at wala naman akong magagawa kung maganda ang feedback ng team-up nila ni JC. Kaibigan ko si JC at kung ikagaganda ng career nila, isa ako sa mga susuporta sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I believe na pana-panahon lang ‘yan. Noon kasi okay naman ang tandem namin ni Yas. Tanggap kami ng mga fans. Ngayon, iba naman. So okay lang. Siguro may iba ring babagay sa akin," sabi ni Rainier.



Aminado si Rainier na sobrang nami-miss na raw niyang katrabaho si Yasmien.



"Miss ko na siya talaga. Iba kasi yung katrabaho mo siya sa set sa nagti-text-text lang kayo. Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasama ulit. Alam naman ni Yas how much I miss her na," sambit ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN