JC de Vera not yet ready to bare his "assets"

IMAGE 0


"Hanggang top lang ako, hindi ako puwedeng bumaba," says young actor JC de Vera about sexy pictorials.



Isa sa pinaka-sough after young actors sa kasalukuyan si JC de Vera. Sa katunayan, katatapos lang ng Sine Novela nila ni Yasmien Kurdi na Pati Ba Pintig ng Puso, heto't may kasunod na agad—ang Pasan Ko ang Daigdig.

Kung pagdating naman sa paguwapuhan at lakas ng dating ang pag-uusapan, hindi pahuhuli dito si JC. Ngayong nauuso sa mga young actors ang pagpu-pose nang sexy sa mga magazines, wala bang balak sumunod sa yapak nila si JC?

"Itanong ninyo kay Mama Annabelle," sagot ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang tinutukoy ay ang kanyang manager na si Annabelle Rama.

Pero kung papayag si Tita Annabelle, papayag kaya si JC na magpa-sexy na rin kahit sa pictorial if ever?

"Ako siguro, kaya ko siguro," sagot niya. "Depende kung hindi naman todong paghuhubad, kung hindi malaswa."

Kaya ba niyang mag-all the way gaya ng ginawa ni Dingdong Dantes na wala talagang suot sa pictorial niya sa Cosmopolitan?

"Huwag namang all the way, siguro topless. Trunks, hindi ko kaya," natatawa niyang sabi.

Kahit ang mag-topless daw sa kahit na anong pictorial ay hindi pa nagagawa ni JC.

"Topless hindi pa, never pa. Pero tanong n'yo din kay Mama Annabelle. Siyempre 'pag sinabi niya na, ‘Sige Dong, magtanggal ka daw ng shirt! O, hanggang shirt ka lang, bawal kang maghubad ng pantalon!' Okay na ako dun," natatawa niyang sabi.



Paano 'pag sinabi ni Tita Annabelle na puwede na rin siyang mag-trunks?

"Sasabihin ko, ‘Magpa-pantalon pa rin ako, Mama Annabelle!" tawa ni JC.

So, siya mismo ang may ayaw?

"Ayoko talaga," sagot niya. "Ewan ko, ayoko lang. Hindi kasi ako model-type, e."

Sayang naman ang ganda ng katawan niya kung hindi niya ipapakita.

"Hanggang top lang ako, hindi ako puwedeng bumaba. Sabi ni Mama Annabelle, ‘Bawal ka ding mag-topless.' Siya rin mismo, ayaw niya. So nakaganito ako, nakatalukbong ako!" tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN