Jennylyn Mercado snubs "SOP" again

Sep 10, 2007
Jennylyn Mercado was supposed to return to SOP yesterday, but the young actress failed to show up again because she was reportedly rushed to the hospital due to palpitation. Incidentally, Jennylyn's boyfriend Patrick Garcia celebrated his birthday in SOP yesterday.


Pagkatapos ng Becky Aguila/Angel Locsin issue sa GMA-7, mistulang napagitna ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado sa dalawang nag-uumpugang bato.

Hindi agad nabigyan ng trabaho si Jennylyn ng Kapuso network, although her SOP assignment is retained. Ang problema lang, si Jennylyn ang hindi nakakasipot.

Four weeks ago, hindi nakarating si Jennylyn sa dapat ay pagbabalik niya sa SOP na susundan ng isa pang live appearance sa Showbiz Central in celebration of GMA Artist Center's anniversary. Nagkasakit daw ang young actress kaya hindi ito nakasipot. Iba naman ang natanggap na dahilan ng kanyang handler na buong araw tinawagan ang mag-ina (Jennylyn and Mrs. Lydia Mercado) pero no reply, depressed daw kasi ang young actress.

Hindi rin nakasipot sa SOP si Jennylyn three weeks ago dahil nasa Hawaii siya kasama ni Jonalyn Viray for a show promoting GMA Pinoy TV.

Two weeks ago, sa birthday celebration ni Mother Lily Monteverde, hindi pa rin nakarating si Jennylyn dahil nagsu-shooting naman daw ito ng Resiklo. Pero ang co-star niya sa pelikula na si Dingdong Dantes was able to drop by sa SOP bago ito bumalik sa shooting location sa Pasig.

Continue reading below ↓

Dapat, kahapon (September 9), ang formal na pagbabalik ni Jennylyn sa SOP. May incentive pa ito dahil birthday celebration ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Umaga ng Sunday, nakatanggap na ng balita ang handler ni Jennylyn na hindi na naman makakarating ang young actress dahil sinugod daw siya sa hospital. Palpitation daw ang dahilan.

Bilang kapalit ni Jennylyn, ang ibang StarStruck girls like sina Ryza Cenon, LJ Reyes, and Jewel Mische ang nag-alay ng kanta kay Patrick. Sa panghuli, ang ex-boyfriend ni Jen na si Mark Herras mismo ang lumabas para kumanta for Patrick at ito pa ang may hawak ng cake. Tuloy, parang nakakatawa ang eksena na isang lalaki ang last song for a male celebrator to think na pareho pa silang naugnay kay Jennylyn.

Ngayong araw, September 10, ang first taping day ni Jennylyn para sa Magpakailanman (Nang Umibig si Neneng Kuba: The Luisa "Neneng" Lopez Story). Tumawag ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa executive producer at associate producer ng show to assure kung nandoon si Jennylyn at nag-confirm naman sila.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado was supposed to return to SOP yesterday, but the young actress failed to show up again because she was reportedly rushed to the hospital due to palpitation. Incidentally, Jennylyn's boyfriend Patrick Garcia celebrated his birthday in SOP yesterday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results