Polo Ravales lessens visits to the gym

IMAGE 0


Sexy actor Polo Ravales admits being a health buff to the extent of staying at the gym every day, and even twice a day. But Polo realized that too much gym might also cause him health problems.



Bilang male endorser ng Bioessence, dumating ang sexy actor na si Polo Ravales sa contract signing ni Jean Garcia last Saturday night, September 8, sa Connecticut Drive branch ng nasabing skin center in support both of Bioessence and her fellow co-DMV Artist star.

Sa pagpirma ni Polo recently sa GMA Artist Center, he was assured of continuous work dahil katatapos pa lang ng Lupin ay kasama na siya sa cast ng nag-pilot kahapon na Pasan Ko Ang Daigdig.

Bagama't bulky pa rin si Polo, kapansin-pansin na hindi na siya lumalalaki at mini-maintain niya na lang ang kanyang katawan.

"Okay na rin naman ito, di ba?" tanong niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) that night na parang naghahanap ng assurance that his body is still tip-top.

Natanong namin si Polo kung daily—at minsan twice a day—pa rin ba siyang nagdi-gym. Hindi na raw, pero regular pa rin.

"Busy na kasi ulit ako sa taping ng Pasan 'tapos may Boyz.Com rehearsals and tours pa kami. Saka natakot na ako," sabi niya.

While it was reported na naospital siya noon during the premiere of Transformers at ang kapatid niyang si Ashley Gruenberg ang nagdala sa kanya sa ospital, hindi naibalita kung gaano kalala at gaano katagal nag-stay sa hospital si Polo. He was hospitalized for three days.

"Nag-palpitate ako noon, nasobrahan ako sa hydroxycut," pag-amin ni Polo.

Hydroxycut is a prescription drug for the bodybuilders that maintains zero-fat in the body. Hindi naging swak sa katawan ni Polo ang nasabing supplement. Hindi na siya nagti-take nito since his hospitalization.

"Mas masarap kasing mag gym kapag nakaganito [hydroxycut] ka, pero I learned my lesson na," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN