Luis Manzano comforts Anne Curtis in her bereavement

IMAGE 0


Luis Manzano is known to be very close to Anne Curtis. When Anne's baby sister died last week, Luis was there to comfort his soulmate.



Nailibing na noong September 1 ang bunsong kapatid ni Anne Curtis na si Claire. Sa pagdadalamhati ng young actress ay hindi nakalimot magbigay ng moral support sa kanya ang itinuturing niyang soulmate na si Luis Manzano.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Poral) si Luis last September 9 pagkatapos ng ASAP '07.

Kuwento ni Luis, "Ako, si Nikki [Gil] at Iya [Villana], after naming mag-host ng Parokya concert from MYX, dumiretso na kami dun sa wake. Dumating kami dun almost two a.m. na. Siyempre, ayaw naman naming bulabugin yung family. Si Anne naman, alam niya yung foundation namin."

Nang kumustahin namin sa kanya si Anne, "She's okay," sagot ni Luis. "Pero hindi naman talaga ganoon kadaling mawalan ng kapatid especially na... Kahit ako, before pa na nawala yung kapatid niya, e, dinalaw ko pa siya sa hospital. Nakita ko yung everything.

"Pero at one point, siguro Anne's faith right now really helps dahil Christian siya. So, it gives her additional strength. Pero siguro, she needs a break muna from everything. Alam ko ‘yon ang ginagawa niya muna ngayon. Medyo easy-easy muna. I think may plan siya na mag-out of the country. One week lang naman siyang mawawala just to take a break."

May bagong teleserye si Anne sa ABS-CBN, ang Weddings, kung saan dapat ay kasama si Luis. Ano ang dahilan at hindi natuloy si Luis sa naturang serye?

"Management's decision. Plus the fact na forty million ang talent fee ko. So, medyo hindi nila kaya at per sequence ‘yon!" biro ng binatang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano.

Pero sinabi ni Luis na bago naman daw siya tinanggal sa cast ay kinausap muna siya ng management ng ABS-CBN. "We had a meeting. They explained everything to me."

Ayaw nang i-elaborate pa ni Luis kung ano ang napag-usapan nila ng management. Pero aminado si Luis na nanghihinayang siya dahil hindi na siya kasama sa Weddings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Any project na nawala ay may hinayang. Pero sabi nga nila, there's always something better in store. And I trust the management both on a professional and personal level. Alam ko may iba pa silang plans for me," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN