"High School Musical" star Vanessa Hudgens embarrassed over nude photo

IMAGE 0


“I am embarrassed over this situation and regret having ever taken these photos. I am thankful for the support of my family and friends," says Fil-Am young star Vanessa Hudgens about her nude photo that has been circulating on the Internet.


Inamin ng Fil-Am Hollywood star na si Vanessa Hudgens na siya nga ang nasa litrato na kumakalat ngayon sa Internet.

Si Vanessa ang isa sa mga tampok na bida sa High School Musical 2 ng Disney Channel na ipinapalabas sa mga telebisyon sa buong mundo noong Agosto.

"This was a photo which was taken privately. It is a personal matter and it is unfortunate that this has become public,” ayon sa statement ni Vanessa na inilabas sa media.

Unang napabalita noong isang linggo na nagpakuha nang hubad si Vanessa para sa kanyang boyfriend at love interest sa High School Musical na si Zac Efron. Ang litrato ay nagpapakita kay Vanessa na nakahubad sa isang hotel room.

Ang paglabas ng hubad na larawan ni Vanessa ay maaring magdulot ng problema sa kanyang negosasyon upang gawin ang High School Musical 3, na ipinapalabas sa family channel ng Disney. Pero agad naman itong pinabulaanan ng Disney Channel.

"Vanessa has apologized for what was obviously a lapse in judgment," sabi ng Disney Channel spokeswoman na si Patti McTeague. "We hope she's learned a valuable lesson."

Vanessa traces her roots to the Philippines through her mother, Gina Guangco. Unang nakilala si Vanessa bilang si Gabriella Montez sa High School Musical nang ipalabas ito noong January 2006.

Ayon sa Teen magazine na inilabas ngayong linggo sa U.S., Vanessa described herself as "a very private person" with "very good morals" who enjoys serving as a role model.



"I've been brought up with very good morals and I'm not going to go out and do something I don't want other kids to do," ayon sa artikulo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging isyu ang paglabas nang hubad ng isang young and wholesome star. Si Daniel Radcliffe, kilala bilang Harry Potter sa pelikula, ay gumanap sa isang stage play sa London at dito'y kinailangan niyang lumabas nang hubad sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN