Ex-couple Mark Herras and Jennylyn Mercado: From lovers to good friends

IMAGE 0


Mark Herras and former girlfriend Jennylyn Mercado are reunited in an episode of Magpakailanman.



Natutuwa si Mark Herras dahil muli silang magkatambal ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa isang episode ng drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman, kung saan gaganap ang young actress bilang isang kuba at si Mark naman ang gaganap na asawa niya.



Noong sabihin daw kay Mark na muli silang magkakasama ni Jennylyn, hindi raw siya nagdalawang-isip na gawin ito dahil matagal na nga niyang na-miss si Jen na katrabaho.



"Huli kaming nagkasama sa TV noong I Luv New York pa," pag-alala ni Mark. "Sa movies, huli namin yung Tiyanaks. Pero matagal-tagal na rin ‘yon. Noong magkita nga kami rito sa set ng Magpakailanman, sinalubong ko siya at nag-usap kami kaagad.

"Kami naman ni Jen, wala naman na kaming problema. May mga tao lang na gusto kaming pag-awayin. Sa totoo lang, okay na kami. Good friends kaming dalawa noon pa," sabi pa ni Mark nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping nila noong Lunes, September 10.



Tinanong din namin si Mark kung ano ang ibinigay niyang suporta kay Jennylyn noong mga panahong wala itong proyekto. Ayon kay Mark, nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Jennylyn over the phone at nag-extend siya ng kanyang suporta, hindi lang financially kundi bilang isang kaibigan na puwedeng hingan niya ng problema.



"Hindi lang naman ako gustong sumuporta kay Jen," sabi ni Mark. "Nagkausap-usap kami ng buong batch namin sa StarStruck na kapag kailangan ni Jen ng anumang tulong, nandiyan kami. Magtutulungan kaming lahat. All for one, one for all kami.



"Noong mga time nga na alam kong naguguluhan si Jen, alam naman niyang nandiyan lang ako. Puwede niya akong tawagan at hingan ng tulong. Na-appreciate naman niya ang pag-abot ko ng tulong sa kanya. Basta sabihin lang niya, I will always be ready to help."



Samantala, sa episode nila sa Magpakailanman ay marami raw kissing scenes sina Mark at Jennylyn. Hindi naman daw worried si Mark sa boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia dahil dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon sa young actor, "Trabaho lang naman lahat ito. Sa Magpakailanman kasi, magiging mag-asawa kami ni Jen. Si Patrick naman, okay na kami. Hindi nga ba't magkasama kami sa Fantastic Man? Okay ang samahan namin at nagkausap na kami regarding kay Jen. Hindi kami mag-aaway ng dahil lang sa mga nasusulat about us. Open ang communication naming dalawa.



"Kita n'yo naman noong birthday celebration niya [Patrick] sa SOP, magkasama kaming dalawa. Dapat kasi kasama dun si Jen, pero hindi siya nakarating kasi nagkasakit siya noong araw na ‘yon. Wish ko naman sa kanilang dalawa na maging masaya sila parati. Huwag nilang pabayaan na masira ang relasyon nila ng dahil sa tsismis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN