Gelli de Belen happy for Ogie Alcasid and Regine Velasquez

IMAGE 0


Gelli de Belen says she is happy for both Ogie Alcasid and Regine Velasquez (inset) for finally coming out in the open about their relationship.



Kinunan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang TV host-actress na si Gelli de Belen tungkol sa relasyon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Matatandaang nagkaroon dati ng alitan sina Gelli at Regine dahil sa naging relasyon noon nina Regine at Ariel Rivera, na boyfriend pa lang noon ni Gelli. Pero since then nga ay naging asawa na ni Gelli si Ariel at nagkabati na rin sila ni Regine.

Ano ba ang reaksiyon ni Gelli nang umamin sina Regine at Ogie sa tunay nilang relasyon?

"E, di natuwa para sa kanila kasi masaya na sila. Mas masaya, para at least, they're free to do what they want to do without having to be conscious all the time," sagot ni Gelli sa presscon para sa grand finals ng "Baile (The Search for the Next Bomb)" na gaganapin sa morning show nila nina Janice de Belen at Carmina Villarroel na SIS sa Lunes, September 17.

Hindi raw kinondena ni Gelli kung matagal na inilihim nina Regine at Ogie ang relasyon nila.

"Alam ko yung feeling," saad niya. "Alam mo naman nung kabataan namin, kami yung ‘friends lang kami!' Napagdaanan ko rin yung ‘friends lang kami.'"

Masaya raw talaga si Gelli para sa kanila dahil bukod sa nagkaayos na nga sila ni Regine ay isa sa mga pinakamalapit niyang kaibigan si Ogie.

Ayon kay Gelli, "Ogie's one of my closest friends, if not, he's my best friend na guy. Marami akong best friends na girls, pero sa guys, si Ogie lang, si Janno [Gibbs], at si Anjo [Yllana)]. Kaya ako, siyempre, I'm happy for him kasi he's happy right now. That's what's important.

"Wala naman ako sa picture, hindi naman ako kasali sa relasyon nila, so wala akong opinion. My opinion does not count, pero talagang I'm happy for Ogie. Well, in their life, in their relationship, I have no bearing, except that I'm Ogie's friend. Kaya kung sino ang mahal niya, mahal ko na din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ba siya sa mga umaasa na finally ay ikasal na ang dalawa?

"Ako, ayoko munang pumunta sa ganung punto," sambit ni Gelli. "Kasi I want them to enjoy each other as boyfriend-girlfriend. Dyusko, andami-dami pa nilang puwedeng gawin!"

Dagdag pa niya, "It's so exciting, that's the most exciting part. Pag nag-asawa na sila, mag-iiba yung level. So enjoy-in muna nila itong level na ito na boyfriend-girlfriend, lalo na ngayon na out na sila, di ba? Enjoy-in nila, masaya ‘yan!"

Sila ba ni Ariel ay iba na rin ang level ngayong mag-asawa na sila?

"Of course!" mabilis niyang tugon. "May mga anak na kami. Dati kasi, you know, we would only think about ourselves. Now we have our children, and our children's future to think about. Nadaanan naming lahat ng stages, and we both enjoyed it very much—every stage. In every stage, happiness.

"Although hindi naman as in super-perfect lahat, pero basically, everything, happiness. So I encourage them [Ogie and Regine] to do the same, para pagdating nila sa next stage, enjoy nila ‘yon," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN