Derek Ramsey on being Aiza Seguerra's sperm donor: "Hindi ko yata kaya 'yon!"

IMAGE 0


"Siyempre, kapag nag-donate ka ng sperm cell, hindi puwede na malaman nasa ‘yo pala galing. Secret ang identity ng donor. Ganun ‘yon, e. So,kung sakali at magdo-donate ako, parang weird naman na alam niya oralam ko," explains Derek Ramsey when asked if he is willing to be the sperm donor of Aiza Seguerra's baby.



Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa hunky actor na si Derek Ramsey pagkatapos ng dance show niya na U Can Dance last September 8, nabanggit nito kung gaano siya kasaya na nakasama niya sa isang show ang mga co-stars sa ABS-CBN soap opera na Ysabella, lalo ngayon na kasama na rin sa cast ang real-life girlfriend niya na si Angelica Panganiban.

Bukod daw sa mag-sweetheart na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, halos lahat sila sa cast ay barkada ang turingan. "Kahit si Aiza [Seguerra]. Actually, Aiza is one of my favorites," natutuwang sabi ni Derek.

Mas natawa ito nang tanungin namin siya paano kung siya ang lalaking matipuhan ni Aiza para maging sperm donor. Papayag ba siya kung saka-sakali?

"Actually, napag-usapan namin ‘yan one time," medyo natitigilan pa niyang pahayag. "Magkakilala kami. Siyempre, kapag nag-donate ka ng sperm cell, hindi puwede na malaman na sa ‘yo pala galing. Secret ang identity ng donor. Ganun ‘yon, e. So, kung sakali at magdo-donate ako, parang weird naman na alam niya or alam ko."



Tinanong ulit ng PEP si Derek na kung sakali, papayag ba siyang maging ama ng anak ni Aiza by donating his own sperm?

"Hindi ko yata kaya ‘yon!" natatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN