Gelli de Belen commends "SIS" staff for their show's high ratings

IMAGE 0


"Six years na kami, may umalis, may pumalit, may bumalik,pero kami-kami pa rin hanggang ngayon mula sa utility hanggang sadirector. Pamilya na ang turing namin sa isa't isa," says Gelli de Belen (left) about the staff of SIS, the morning program she co-hosts with sister Janice de Belen (center) and Carmina Villarroel (right).



Dumalo si Gelli de Belen sa "Baile (The Search for The Next Bomb)" presscon last rainy Thursday afternoon, September 11, sa Timog Ave. Sa SIS—ang morning show ni Gelli with sister Janice de Belen and Carmina Villarroel sa GMA-7—kasi ginagawa ang search at this Monday (September 17) na ang finals kung saan lima na lang ang naglalaban.

All throughout the presscon, very proud ang tumayong emcee na si Tess Bomb, na part din ng SIS, dahil napaka-successful ng kanilang morning show, even with new competition.

Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gelli kung ano sa tingin niya ang sikreto ng morning show nilang patuloy na nangunguna sa ratings laban sa katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang Boy & Kris. Ang sagot ng misis ni Ariel Rivera ay dahil daw sa staff nila.

"Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi naman tatakbo nang maayos ang show namin. Sila talaga ang nag-iisip ng mga kung ano ang ipapalabas namin from the start.

"Six years na kami, may umalis, may pumalit, may bumalik [sa staff], pero kami-kami pa rin hanggang ngayon mula sa utility hanggang sa director. Pamilya na ang turing namin sa isa't isa. Kung ilan na ang inaanak ko sa mga anak ng mga staff namin, nag-ninang na rin ako sa kasal sa kanila. Talagang pamilya," pagmamalaki ni Gelli.

Tungkol naman sa ratings, ayaw magsalita ni Gelli dahil para sa kanila, they are not competing with the show na katapat nila but with themselves.

"Mahirap ang ginagawa namin. Dapat iba-iba, dapat may bago palagi," sabi ni Gelli.

Dagdag pa niya, "Saka ang ratings, mahirap naman talagang magsalita kasi malay natin baka next week manalo sila, so nakakahiya kung magyayabang agad. Hindi mo rin kasi masasabi. Basta kami trabaho lang nang trabaho para sa audience namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN