Billy Crawford pressured by his parents' presence at his first major concert in RP

IMAGE 0


After more than 100 shows and concerts he did in the past, this will be the first time that the parents of international singer Billy Crawford would actually see him perform on stage. Billy will hold his first major concert in the Philippines, titled It's Time, on October 6 at the Araneta Coliseum.



Among the added pressure for Billy Crawford's upcoming Its' Time concert at the Araneta Coliseum on October 6 is the presence of his parents, who for the first time would be watching his show.

"Thank you so much pinaalala mo pa!" nakangiting sabi ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press conference for his concert held this afternoon, September 12, at Tramway Garden Buffet on Timog Ave., Quezon City.

"First time ko kasing gagawa ng major show dito sa atin [Pilipinas] and since my parents love this country so much, gusto nilang itodo rin ang suporta nila sa akin," paliwanag ng 25-year-old performer.

Based sa abroad si Mr. Crawford, who is working for an oil firm. Although sa halos mahigit na 100 concerts na ginawa at nasalihan ni Billy sa mga bansang gaya ng Australia, Belgium, Denmark, England, Finland, France, Germany, Italy, Japan, Morocco, New Zealand, Norway, Sweden, Switzerland, at Thailand, ay never pa nitong nakitang mag-perform ang sikat na anak.

"Kaya nga may pressure on me really because I've known my father to be very honest with his opinion. Ayoko rin siyempreng mapahiya kung paanong ayoko ring mapahiya sa mga kababayan natin," dagdag niya.

Isa nang kilalang artist lalo sa mga nabanggit na European countries si Billy Joe, pero mas gusto niyang makilala rin ng mga Pinoy ang kanyang musika at mga concert acts.

"I know how our kababayans feel and react on concert acts, kaya naman pinaghahandaan talaga namin ito nang husto," sabi ng binata.

FIRST RP CONCERT. Excited si Billy sa concept nila ng stage sa concert niya, lalo pa't first time nila itong gagawin sa 'Pinas. Aside from special effects, may mga moving backdrops at stage mismo na makikita ang mga tao.

Puwede naman daw sanang dalhin o ulitin na lang nila yung mga previous shows o acts na ginawa nila abroad, "but we wanted to offer something that we have not done before. Our kababayans deserve nothing but the best siyempre kaya sana magawa po namin," sabi ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gabriel Hoareau ang magdidirek ng concert ni Billy. Sa sports world, nakilala ang pangalan na ito dahil minsan na niyang pinamahalaan ang opening at closing ceremonies ng nakaraang 2004 Athens Olympics.

Si Tats Faustino naman ang magsisilbing musical director ng It's Time concert, dahil bukod sa may mataas na kumpiyansa si Billy sa kanya, "he's a moving musical director. Pareho kasi kami, magalaw pag nasa stage. Mas okay kapag ganun kasi ang daming nagagawa."

Sa song-dance concert na ito ay nakatakdang awitin ni Billy ang halos dalawampu't dalawang kanta—varying from hip-hop genre to pop to slow rock. "Gusto ko talagang makilala ng Pinoy audience ang klase ng music ko," hirit pa niya.

Magiging guests ni Billy sa kanyang first major concert sa Pilipinas sina Jay-R, Karylle, Kris Lawrence, at ang Maneouvres, plus an international "band or group" na hindi pa niya ni-rereveal dahil inaayos pa raw ng production group nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN