Dawn Zulueta is back in Manila; returns to acting

IMAGE 0


After more than a year of absence from television, actress Dawn Zulueta makes a comeback via a special role in ABS-CBN's new fantaserye, Lastikman. "Taga-lupa ako na mother ni Vhong Navarro, who's Lastikman dito.Nakidnap ako na dinala sa planetang Harraio. Doon, I fell in love sataga-Harraio na si Tonton Gutierrez [Irroian]. Nagkaanak kami at ‘yonsi Vhong," tells Dawn about her character.



More than a year na nang huling napanood ang aktres na si Dawn Zulueta sa telebisyon. Ngayong Oktubre ay muli siyang nagbabalik bilang Kapamilya star sa nalalapit na pagsisimula ng fantaserye na Lastikman ng ABS-CBN.



"I'm glad to be part of Lastikman. Taga-lupa ako na mother ni Vhong Navarro, who's Lastikman dito. Nakidnap ako na dinala sa planetang Harraio. Doon, I fell in love sa taga-Harraio na si Tonton Gutierrez [Irroian]. Nagkaanak kami at ‘yon si Vhong," kuwento ni Dawn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Lastikman kahapon, September 12, sa ABS-CBN compound.



First time daw niyang makakasama sa iisang show si Vhong, but unfortunately, wala pang chance na nag-meet sila ng komedyante. Wala pa rin daw silang eksena na magkasama, although ongoing ang taping ng Lastikman.



"Bale ang natapos ko lang na taping yung sa pilot. Pero babalik pa ako, I think towards the end," sabi ni Dawn.

BACK IN MANILA. Ang pagtanggap ni Dawn para sa mahalagang role niya sa Lastikman ay hudyat na rin ng page-settle niya ulit sa Manila.



"Yes, I'm back here in Manila!" bulalas niya. "We're in the process of moving to our new place here and, very soon, settled na kami.



"Balik nga rito but we're not giving up our home in Davao. As a matter of fact, we still fly home at least once a month. My husband is there almost every weekend kasi siyempre, tuluy-tuloy din naman ang mga project namin sa mga constituent niya doon sa Davao del Norte. I also have my obligations there as a congressional wife. So, while I'm working here, I still make the time to go home," kuwento ni Dawn.



Nag-a-adjust pa rin ba siya as a congressman's wife?



"Yes, I'm still adjusting, absolutely," sagot niya. "It's not very hard. I mean, we all get together, marami kaming bago. Marami kaming mga first timer na mga congressional spouses."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Obviously, nakikita sa mga mata ni Dawn na happy siya sa piling ng kanyang mister na Anton Lagdameo and their only son na si Jacobo.



"Jacobo is doing very well. He'll be two next month. Nagsisimula na siya ngayong magtanung-tanong. Pero I think we will enroll him talaga in classes maybe next year pa naman when he turns three," excited na kuwento ng celebrity mom.



Kailan naman nila kaya susundan si Jacobo?



"Eto na nga, e. Try nga, pero parang habang... Well, right now, nag-e-enjoy pa naman ako, you know, with Jacobo now, with his progress. And then, work also has started to pile up for me. Ginagawa ko muna ito [Lastikman] ngayon. Nag-a-adjust pa rin naman kami ni Anton, but hopefully next year, suwertehin naman ako when we try, mabuntis naman ako," asam niya.



Ano naman ang gusto nila for their second baby?

"I'll be 39 on March," sabi ni Dawn. "Kung hanggang two kids lang ako, sana babae na lang, di ba? Para at least, boy and girl. Pero alam mo, for me, any... as long as the baby is healthy, I'll be very happy with boy or girl."

BACK TO WORK. Kailan naman siya gagawa ulit ng pelikula?



"Well, sana magka-offer muna. I really would like to do a movie again. Oo, nami-miss ko rin," pag-amin ni Dawn.

Anong klase ng pelikula ang gusto niyang gawin kung saka-sakali?

"I don't know," sabi ni Dawn. "Any, but a really nice big project, hopefully. It's a drama sana, you know, may mga makakasama ako na mga bago ngayon na magagaling, di ba?"

Ang Filipinas ni Joel Lamangan ng Viva Films ang huling pelikula ni Dawn. Nakasama niya sa naturang pelikula ang ex-boyfriend niya na si Richard Gomez, na gagawa ulit ng pelikula with Sharon Cuneta, na isa pang naging ex ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buti pa sila!" medyo nainggit na bigkas ni Dawn.

What about a movie with Richard also?

"Well, it depends on the material, I think."

Puwede pa rin ba siya sa kissing scene sa big screen?

"Ay, hindi!" sambit niya. "Hindi na, kaya nga magiging limitado na ako, e."

Mas maluwag na ba ngayon ang mister niya sa kanyang showbiz career?

"Mas maluwag in the sense na, oo, with time. He allows me naman now to do what I want because, at least, nakatira na kaming lahat dito [sa Manila]. But of course, limit as far as roles that I accept, yung mga ginagampanan ko... I really have to take that in consideration. And personally, I cannot see myself kissing another man anymore. It has been so long," paliwanag niya.

Kahit si Richard pa ang ka-kissing scene niya?

"Yeah! Kahit someone na nakasanayan ko na noon, hindi pa rin!" tawa niya.

RECONCILIATION WITH GRETCHEN. Last Tuesday ay ginanap ang third birthday ng bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice. Almost lahat ng mga kaibigan ni Ruffa sa showbiz ay nandun, kabilang na si Gretchen Barretto. Pero hindi nakapunta si Dawn with Jacobo.



"Alam mo kasi, lately, talaga sore eyes has been going around. My son has sore eyes ngayon. And then now, his yaya has sore eyes. So I couldn't go to the party and spread the virus, you know. And of course, ngayon namamalat din ako. So, it was just not a good time," paliwanag niya.



But did she intend to go?



"Yeah, I really intended to go, really. It's just that nagkasakit naman kami," sabi niya.



Nagkita sana sila doon ni Gretchen.



"Sayang nga!" sabay tawa ni Dawn.



Okay na ba sila ni Gretchen?



"Hindi pa naman kami nagkikita ulit, so hindi ko alam."



Huli raw silang nagkita during the YES! magazine anniversary party last February 28. But just in case magkita sila ni Gretchen sa isang affair, ano kaya ang magiging scenario?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko alam. Hindi ko alam kaya hindi ko iniisip."



What if batiin siya ni Gretchen?



"Wala namang kaso 'yon, e. Hindi naman tayo isnabera."

Hanggang ngayon ba ay dala-dala pa rin niya ang away nila ni Gretchen?

"Ever since naman, wala ‘yon sa akin, e, di ba?" tawa niya.

Puwede na kaya silang magsama ulit sa isang TV commercial?

Natawa muna si Dawn bago sumagot. "Let's not naman rush, di ba?" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN