Shaina Magdayao and John Prats are only "very close" friends

IMAGE 0


"Walang malisya yung friendship namin. Ever since naman yung mga taoaround us, 'yon ang naglalagay ng malisya. Pangit naman na hindi pa ngananliligaw yung tao, e, nilalagyan mo na ng malisya, di ba?" explains Shaina Magdayao about her friendship with John Prats (inset, with sister Camille Prats).



Kasama sa mga rumampa sa stage during the finals night ng Be Bench / The Model Search sa Araneta Coliseum last Tuesday, September 11, ang young actress na si Shaina Magdayao at ang mga nali-link sa kanya na sina John Prats at Rayver Cruz.



Bago ang grandiosong "Bench Walk of Fame" ay nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Shaina sa backstage. Sa umpisa ay excited na nagkuwento si Shaina sa role niya sa episode ng Maalaala Mo Kaya na ipalalabas bukas, September 14, dahil sa unang pagkakataon ay makakasama niya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vina Morales sa episode na idinirek ni Nuel Naval.



Sumunod ay kinuha namin ang reaksiyon ng young actress sa pagbubuntis ni Camille Prats na dati niyang co-star sa soap opera ng ABS-CBN na Marinella.



"Close po kami hanggang ngayon," sabi ni Shaina tungkol kay Camille. "I'm really very happy for her kasi matanda naman na siya, she's 22 na, and mabait din naman ang boyfriend [Anthony] niya. So, it's a blessing I think, di ba, na magkaraoon siya ng anak? So I really feel very happy for her."



Ayon pa kay Shaina, pangit naman daw na porke natapos na yung show nila ay mawala na rin ang friendship nila.

"Well, I'm one of the very few na mga friends niya na nasabihan niya. Of course, I'm very honored and saka siyempre, masayang-masaya ako for her and for her whole family."

JOHN PRATS. Dahil daw kay Camille kaya naging close si Shaina sa kapatid nitong si John. "Kasi ever since sa Marinella, magkakilala na kami," saad ni Shaina tungkol kay John na iniuugnay sa kanya ngayon.

Nabalitaan din ni Shaina ang interview ni John sa The Buzz last Sunday kung saan ipinagtanggol nito ang pagbubuntis ni Camille.

"Actually, okay yung ginawa niya na ipinagtanggol niya ang sister niya. I know naman that he's very proud of her sister, di ba? Yung mga ganung bagay, hindi mo talaga ikinakahiya ‘yon. Dapat maging proud ka pa kasi blessing ‘yon," sabi ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At the end of John's interview sa The Buzz, sinabi nito na "good friend" niya raw si Shaina.

"Well, I thought tapos na yung isyu na ‘yon, pero okay naman po dahil nilinaw naman niya yung isyu," reaksiyon ng young actress.

Very close friend nga ba niya si John?

"Opo," diretsong sagot ni Shaina. "Hindi naman namin sinasabi na hindi kami close, kasi close naman po talaga kami."

Sabi pa ni John, "special" si Shaina sa kanya.

"Well, thank you, di ba? I'm happy na tini-treasure niya yung friendship namin," sambit naman ng young actress.

So, totoong may relasyon sila ni John?

"Ay, hindi po!" mabilis niyang tanggi. "Walang malisya yung friendship namin. Ever since naman yung mga tao around us, 'yon ang naglalagay ng malisya. Pangit naman na hindi pa nga nanliligaw yung tao, e, nilalagyan mo na ng malisya, di ba?

"Well, right now, we're happy doon sa company ng isa't isa and kilala ko ang buong pamilya niya. Hindi lang naman siya yung mabait sa akin, pati ang buong pamilya niya."

How does she find John?

"Actually, iilan lang ang mga lalaki na pinaka-close sa akin sa showbiz. Pero isa siya dun sa guy friends na talagang mapagkakatiwalaan," sabi ni Shaina.

Alam na ba ng ka-lovetyeam ni Shaina na si Rayver Cruz ang tungkol sa kanila ni John?

"Opo, alam ni Rayver," sagot niya. "Kasi nakikita naman ni Rayver. Alam naman ni Rayver na hindi lang siya yung isa sa pinaka-close sa akin na guy in showbiz. Marami rin naman akong ibang guy friends, di ba? And I don't think there's nothing wrong about that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN