FIRST READ ON PEP: Aiko Melendez gives up on her second marriage

IMAGE 0


Quezon City councilor and actress Aiko Melendez has reportedly left her husband of almost two years, model Martin Jickain. According to Aiko's close friends, the actress-politician's decision to end their marriage is because of Martin's alleged womanizing.



Kumpirmadong hiniwalyan na ng actress turned politician na si Aiko Melendez ang kanyang pangalawang asawa na si Martin Jickain. Ang kaibigan at publicist mismo ni Aiko na si Ogie Diaz ang nagkumpirma ng balitang ito sa radio program niya na Wow...Ang Showbiz! sa dzXL kaninang umaga, September 13.

Ayon sa nakalap na balita ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kinausap diumano ni Aiko ang ilan niyang malalapit na kaibigan na hindi na niya kayang makisama pa kay Martin.

"Suko na ako," ang sinabi raw ni Aiko sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya na raw kaya diumano ang pambabae ni Martin, na isang model.

Hindi lang daw isang beses na may nagparating kay Aiko na nakita nila na may ka-date na iba si Martin. Madalas daw makita ang mister ng konsehala ng Quezon City sa Embassy Bar na may kasamang ibang babae. Pero ang pinakamalala raw ay nang makita diumano si Martin na may kasamang ibang babae sa Boracay.

Matatandaang ikinasal sina Aiko at Martin noong February 16, 2006 sa Fernwood Gardens sa Quezon City. May isa silang anak, si Marthena, na nagdiwang ng kanyang unang birthday noong July 28.

Marami noon ang nagpayo kay Aiko na huwag magpadalus-dalos sa desisyon na magpakasal agad kay Martin dahil ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng dating modelo. Bukod doon, kabababa pa lang ng desisyon ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kanyang unang kasal sa aktor na si Jomari Yllana, kung saan may isa rin siyang anakā€”si Andrei.

Pero wala na raw nagawa si Aiko dahil buntis na siya noon kay Marthena. Makakasira raw kasi sa political career ni Aiko kung makikipag-live in lang siya kay Martin habang pinagbubuntis niya sa Marthena.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kumuha ng karagdagang impormasyon mula mismo kina Aiko at Martin tungkol sa kanilang paghihiwalay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN