Ruffa Gutierrez talks about the real deal between her and Yilmaz

IMAGE 0


Six months after she revealed her marital woes on air, Ruffa Gutierrez is now slowly moving on. When asked about the status of her relationship with husband Yilmaz Bektas, she said she will let God lead the way, "So, kung ano ang gusto ni Lord na mangyari, I'm sure He'll find a wayto bring us together. Pero kung ayaw naman niya, baka we moved on withour separate ways."


Kahit na abalang-abala si Ruffa Gutierrez sa third birthday party ng bunso niyang anak na si Venice Bektas ay hindi siya nakalusot sa mga tanong ng press tungkol sa tunay na estado ng kanyang buhay ngayon.

Ang party ay naganap sa T.G.I.Friday's sa Bonifacio High Street, The Fort noong Martes, ika-11 ng Setyembre. Hindi dumatingang ama ni Venice na si Yilmaz Bektas sa party ng kanyang anak. Pero hindi naman daw nakalimot si Yilmaz na batiin ang kanyang anak.

"Well, nag-usap sila kahapon," lahad ni Ruffa. "Kasi two weeks na kaming hindi nag-uusap ni Yilmaz, but yesterday, he sent me a text message. Ang sabi niya, 'I would like to speak to the kids. Where can I reach them?'

Ayon kay Ruffa, may special mobile phones ang mga bata. "E, naka-off so binigay ko yung number sa bahay. Ayun, nag-usap sila, and then may mga gift daw siya na ipapadala from Turkey," kuwento ng host ng The Buzz.

Binanggit ni Ruffa ang pangungulila ng mga anak sa ama, "They miss him. They keep saying, ‘Baba is coming? Baba is coming?' So yun, sinasabi ko pa rin na si Baba, kasama ni Kokey sa moon. Hindi ko alam kung kelan babalik si Baba."

Paano naman siya? Hindi ba siya nalulungkot na nahiwalay ulit ang mga anak niya sa kanilang ama?

"Well, ah, my state of mind, I'm very happy. I think I have everything to be thankful for. You know, hindi man masaya ang aking lovelife, malungkot man ang aking mga gabi...naku! Masigla naman ang aking career ‘di ba? So patuloy na pumapasok yung magagandang trabaho. So, I have to be thankful, kasi syempre, I'm on my own now with my two little girls. Ayoko namang humingi din ng tulong kay Yilmaz. If he wants to send, he can send," sabi ng dating Miss World Second Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw niya na puwede naman daw siyang humingi ng suporta mula kay Yilmaz.

"Yeah, pero kasi naman...of course, I can always ask help. Pero I don't need to, e. Kasi kung gusto naman niya, it's up to him 'di ba? So, I don't want to force somebody who doesn't want to."

Magkagalit ba sila ngayon ni Yilmaz kaya two weeks na silang 'di nag-uusap?

Paliwanag ni Ruffa, "Actually, we just decided that it is better to give each other a space for a while, kasi syempre, 'pag tawagan nang tawagan 'tapos nagkukulitan, it's better na, you know...We move on na. We give each other space para we have time to heal."

Sa hiwalay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Yilmaz Bektas bago ito umalis, inamin Turkish businessman na "50 times a day" siya kung tumawag sa asawa.

Kumusta na yung rose na binigay sa kanya ni Yilmaz?

"Nand'yan pa rin," sabay tawa ni Ruffa. "E, kasi naman si Mommy masyado niya ako'ng tinense kaya nakalimutan ko pa yung isa niyang iniwan. Kasi he gave me also a necklace na knife. Knife siya, and then, may nakalagay na faith. So, every time I remember him daw, I think of that. So, I don't know kung ano ang symbolic reason noon..."

Sa sinabi ng ina na may iniwan si Yilmaz sa kanya, may mga haka-hakang nag-away silang mag-asawa bago ito umalis. Totoo nga ba sinaktan siya ni Yilmaz?

"Well, uh, ayoko nang pag-usapan yung ganyan, kung nasaktan ako o hindi. I think kasi it's never gonna have an ending. Syempre si Yilmaz tahimik lang, so, as much as possible I don't want to discuss anymore what happens behind closed doors. "

Hindi naman daw kaya buntis ngayon si Ruffa at ito ang sinasabing iniwan sa kanya ni Yilmaz?

Sagot ni Ruffa, "Hindi ako pregnant 'no. I know yun ang iniisip ng iba, na ang iniwan na remembrance sa akin ay anak. Wala siyang iniwan diyan sa loob ng tiyan ko. Ayoko muna ‘no? Ang hirap mag-alaga. Tama na si Lorin at si Venice. Uy, kung kelan naman ako pumayat, in fairness ‘no?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa ni Ruffa, "Pwede ba'ng pumayat muna ako ng one year bago ako...teka muna, sino ang tatay?" biro pa niya. "Sige after one year, ganun, tawagan ko siya, ‘Hello? Gusto ko'ng magka-baby ulit.' Tama na sa akin si Lorin at si Venice for now."

Pero marami pa rin ang posibleng mangyari sa relasyon nila ni Yilmaz, 'di ba?

"Hindi...ang sabi ko naman, whatever happens to the future I leave everything to God. Malay mo he has a perfect plan for me. So, kung ano ang gusto ni Lord na mangyari, I'm sure He'll find a way to bring us together. Pero kung ayaw naman niya, baka we move on with our separate ways."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN