Ruffa on mom Annabelle Rama: "Hindi ko siya inaaway 'no!"

IMAGE 0


Annabelle Rama (right, bottom) hinted that her daughter Ruffa Gutierrez (main photo) and son-in-law Yilmaz Bektas had a row before the latter left for Istanbul. When the press asked Ruffa about it, she said, "As much as possible I don't want to discuss anymore whathappens behind close doors."Meanwhile, here's Ruffa's wish for Venice (right, above): "Sana maging mabait siyang bata."


Sa naganap na kaarawan ng bunsong anak ni Ruffa Gutierrez noong ika-11 ng Setyembre sa T.G.I.Friday's sa The Fort, inalam ng press kung ano ang kahilingan niya para kay Venice.

"Sanamaging mabuting bata siya. I hope she'll always be happy and healthy atmakatapos siya ng pag-aaral sa isang university hanggang masters nahindi ko nagawa," ang seryosong sabi ni Ruffa.

Siyempre, inusisa rin si Ruffa tungkol sa regalo ni Yilmaz kay Venice.

"Marami raw siyang ipapadala. Magpapadala raw siya ng piano. May mga surprise gifts daw siya. So, I think ang importante naman na gift na maibibigay ni Yilmaz ay yung kanyang love at kanyang presence
as a father. Kahit na malayo kami sa isa't isa, sana huwag niyang kakalimutan that he has two little girls who loves him. But I know he loves them also."

Sa naturang party ay naroon din ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. Abalang-abala rin ito sa pag-aasikaso sa mga bisitang dumalo sa party. Pero napansin ng ilan na bihirang mag-usap ang mag-ina. Magkagalit pa rin ba sila?

"Kaya ko ba naman awayin si Mommy? Siya lang naman ang umaaway sa akin, e. Hindi ko siya inaaway ‘no? Talo ako ‘pag inaway ko si Mommy at all angles kaya binati ko na lang siya. Ang hirap-hirap niyang kaaway," natatawa pero seryosong pahayag ni Ruffa.



Matatandaang nagkaroon ng interview si Annabelle Rama sa The Buzz noong ika-9 ng Setyembre. Ibinuking nito si Ruffa tungkol sa totoong estado ng relasyon ng anak sa manugang na si Yilmaz.


"She has to tell the truth sa harap ng lahat ng mga tao. Huwag na siyang magdrama-drama. Huwag na siyang mag-ano,huwag na niyang kampihan ang lalaking ‘yon! Alam ko mahal niya, perosabi ko sa kanya, ‘[Ang] pagmamahal na ‘yan, Ruffa, fake lang ‘yan, e.Kasi kung mahal ka talaga ng isang lalaki, dapat mamahalin ka kung anoka.' Kasi pati pagsuot niya [Ruffa] ng ganyang kaiksi, naka-microminisiya, nagwawala ‘yon [Yilmaz]. Mura siya nang mura. Kung ano angpinagbabasag niya sa kuwarto. Puwede ba yung ganun? Artista si Ruffa,di ba?" ang mahabang litanya ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN