Martin Jickain asks for privacy from the media

Sep 14, 2007
Martin asks the media to let him and his wife Aiko Melendez solve their problems in private. In return, he promises to inform the press once they have come up with a "mutually beneficial resolution."


Humiling ang asawa ni Aiko Melendez na si Martin Jickain sa media na hayaan na lamang muna silang ayusin ang problema nilang mag-asawa.

Matatandaan na kahapon, September 13, kinumpirma ng kaibigan at publicist ni Aiko na si Ogie Diaz sa radio program nito na Wow...Ang Showbiz sa dzXL na hiwalay na ang actress-politician sa pangalawang asawa niyang si Martin.

Ilang oras matapos sumabog ang naturang isyu, pinabulaanan naman ni Martin ang bali-balitang nambababae siya.

Sa interview sa kaniya nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito sa radio program na Showbiz Mismo sa dzMM, pinagtanggol ni Martin ang sarili. Sinabi niya, "Hindi po totoong may bisyo ako. Hindi ako nagsusugal, hindi nambababae. Ni sigarilyo nga po ay hindi ako marunong. Droga? Hindi rin po dahil may ini-endorse po ako kaya hindi pwede."

Sa ngayon, marami ang naghihintay sa paglilinaw nina Aiko at Martin ukol sa usap-usapang paghihiwalay nilang mag-asawa. Ngunit tila pinili muna nila ang manahimik at ayusin ang kanilang problema.

Continue reading below ↓

Ayon sa text message na ipinadala ni Martin sa GMA News, humihiling siya na bigyan muna sila ng espasyo upang mapag-usapan ang problema.

Aniya: "We want to settle our problem privately. We'll just face the media once we've talked things through and we reach a mutually beneficial resolution. We hope that everyone will respect our request for privacy."

Read Next
Read More Stories About
Aiko Melendez, Martin Jickain
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin asks the media to let him and his wife Aiko Melendez solve their problems in private. In return, he promises to inform the press once they have come up with a "mutually beneficial resolution."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results