Billy Crawford laughs off rumor linking him to Marian Rivera

IMAGE 0


"Marian is just someone I admire. She's beautiful, sexy, and very smart. Sino bang lalake ang ayaw sa tulad niya, di ba?" says Billy Crawford about Marian Rivera.



Hindi naman ikinakaila ng international singer na si Billy Crawford na malaki ang attraction niya sa bida ng Marimar na si Marian Rivera.



Natsismis pa nga na pinopormahan ni Billy si Marian nang magkita silang magka-table sa 40th birthday party ni Ogie Alcasid sa Manila Polo Club. Ayon sa mga nandoon, tila binabakuran daw ni Billy ang magandang si Marian.



Natawa lang si Billy sa term na "binabakuran" at sinabi nito na wala raw ganung pangyayari. Nagkataon lang na magka-table sila ni Marian at nagsayaw silang dalawa.



"Anyone can dance with her at hindi ko siya binakaburan," nagtatakang sabi ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Akala yata nila na hindi puwedeng masayaw si Marian because I was there with her. It's not that naman. Marian is just someone I admire. She's beautiful, sexy, and very smart. Sino bang lalake ang ayaw sa tulad niya, di ba?"



Wala pa raw plano na manligaw si Billy dahil ang concern niya ngayon ay ang nalalapit na first major concert niya sa Pilipinas, ang It's Time, na magaganap sa Araneta Coliseum on October 6. Ayaw raw niyang ma-distract siya sa kanyang rehearsal sa malaking event na ito ng buhay niya. Pero invited naman daw si Marian to watch the concert.



"Lahat naman ng mga babaeng na-link sa akin ay invited!" malakas na tawa niya. "As if naman ang dami-dami nila, di ba? Konti lang naman siguro!"



Nagkakaroon na nga ng playboy image si Billy dahil bukod kay Marian ay nali-link din siya kina KC Concepcion, Rufa Mae Quinto, at Rochelle Pangilinan.



"Ayoko ng playboy na tawag sa akin kasi magagalit ang mommy ko! Papaluin ako no'n kasi baka raw hindi ko na nirerespeto ang mga babae!" malakas na tawa niya.



"Seriously naman, hindi ako playboy. I'm just being friendly to a lot of people. Kilala naman ako for being so close to many people. Wala naman kasi akong pinipili. Basta mabait ka, you're a friend to me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mga special guests nga pala ni Billy sa kanyang It's Time concert sina Jay-R, Karylle, Kris Lawrence, The Maneouvres, and The Movers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN