Jean Garcia very proud of daughter Jenica

IMAGE 0


"Sa totoo lang, mas busy pa si Jenica kesa sa akin! Kapagumuuwi nga ang bagets, pagod na pagod pero masaya siya kasi nga this iswhat she wants," says Jean Garcia about daughter Jenica.



Natutuwa si Jean Garcia at nakapag-shoot na sila ng kanyang anak na si Jenica Garcia ng first movie nila together under Regal Entertainment. Magkasama ang mag-ina sa horror film na Hide & Seek kung saan kasama rin nila ang ka-loveteam ni Jenica na si Mart Escudero.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jean sa last taping day ng Impostora sa Antipolo, sinabi nito na masaya siya sa mga nangyayari sa anak niya. Ilang buwan pa lang daw ito sa showbiz, pero sunud-sunod na ang malalaking breaks nito.



"Sunud-sunod nga ang mga nangyayaring maganda sa anak ko," very proud na sabi ni Jean. "After niyang lumabas sa Impostora, kinuha na siyang maging exclusive star ng GMA-7. Kaya nga meron na siyang Boys Nxt Door at Pasan Ko Ang Daigdig.



"Tapos pinapirma pa siya ni Mother Lily [Monteverde] ng contract as one of her new Regal Babies. Then, nag-shooting na nga kami ng first movie namin together. May kumukuha rin sa kanyang endorser ng jeans and shirts.



"Sa totoo lang, mas busy pa si Jennica kesa sa akin!" tawa niya. "Kapag umuuwi nga ang bagets, pagod na pagod pero masaya siya kasi nga this is what she wants. Noong kaedad ko siya, hindi ako kasing-suwerte niya. Matagal din akong naghintay for the big breaks. Si Jenica, three months pa lang siya sa trabahong ito, pero ang blessings dumarating parati.



"One thing I taught my daughter is to thank the Lord for all the blessings na dumarating sa kanya. Minsan sabay kami niyang magdasal at nagpapasalamat kami sa Diyos. Mabait kasi Siya sa buong pamilya ko kaya panay ang pasasalamat namin for all the blessings," sabi ni Jean.



Sa December 26 ay 18 years old na si Jenica. Ngayon pa lang daw ay iniisip na ni Jean kung ano ang gustong maging celebration ng kanyang panganay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naku, two months na lang ay December na, di ba? Gusto ko siyempre, maganda ang debut niya kasi minsan lang naman tayo 18 years old, di ba?" very excited na sabi ng aktres.



"Hindi ko pa alam ang gusto niya pero knowing her, baka gusto na lang niya yung mag-abroad. Mas hilig ni Jenica ang magbakasyon kesa ang malaking party. Ewan ko lang sa kanya at baka nag-iba na ang hilig niya. Tatanungin ko na siya habang maaga kung ano ba ang gusto niya for her debut."



Ano naman kaya ang ireregalo niya kay Jenica?



"Ay, surprise muna!" sagot ni Jean. "Baka ma-preempt at mag-expect ang bagets! Aside from what she wants as her celebration, may special gift pa ako sa kanya. Sa birthday na niya ito malalaman ng lahat."



Si Mart kaya ang maging escort ni Jenica sa birthday nito?



"You better ask her at hindi ako, di ba?" tawa ulit niya. "Sila naman ni Mart, they're doing okay as far as nakikita ko. Wala akong clue kung nanliligaw na ba itong si Mart. Hindi ko pa naman siya nakikita sa bahay namin na dumadalaw.



"Si Jenica naman, sasabihin naman niya kung nanliligaw na si Mart sa kanya. Wala kaming secrets na mag-ina. Mart naman is a good boy and he comes from a very good family. Pero suggestion ko, huwag silang serious masyado sa isa't isa. Masarap ma-in love pero dapat nasa tamang panahon.



"Bilang ina, gusto ko naman maganda ang future ni Jenica. Ayokong dumaan siya sa mga pinagdaanan ko. I want the best for her at sa career nila ni Mart. Kaya huwag masyadong serious, mga bagets. Enjoy life and your youth. Minsan lang naman tayo bata kaya make the most out of it," pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN