Jennylyn Mercado denies "breakup" rumors

IMAGE 0


"Basta, masaya kami. Mahal namin ang isa't isa. Wala kaming problema," said Jennylyn Mercado when asked about rumors that she and boyrfriend Patrick Garcia have broken up.


Tila nagkakalabuan na yata ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Una, hindi sinipot ni Jennylyn noong September 9 ang birthday celebration ng boyfriend sa SOP. Dapat sana'y lalabas si Jennylyn sa dulo ng song number na inihanda para kay Patrick, pero sa halip, si Mark Herras ang bumulaga rito.

Nagbigay na ng paliwanag si Jennylyn ukol dito sa article na nailathala din sa PEP. Aniya, "Wala po kaming problema ni Pat. Hindi po kami nag-aaway. Okay naman po kami. Hindi ko naman sinasadyang magkasakit."

Makalipas ang ilang araw, napansin naman ng marami ang "cold shoulder treatment" na ibinigay ng couple sa isa't isa sa episode ng Sis last September 13. Muling inungkat ang mga pangyayari sa Startalk kahapon, September 15.

Medyo nagkailangan daw ang dalawa. In fact, kailangan pa raw pilitin ng Sis host na si Gelli de Belen na bigyan ng kiss ni Patrick si Jennylyn. "Parang ayaw mo halikan si Jennylyn," sabi ni Gelli sa birthday boy.

Nag-promote lang sa Sis si Jennylyn ng kanyang episode sa Magpakailanman, kung saan ay muli niyang katambal ang dating boyrfriend na si Mark Herras. Ang haka-haka ng ilan, eh, baka raw naiinggit si Patrick sa muling tambalan ng girlfriend nito kay Mark.

"Naintindihan niya [Patrick)]naman iyong trabaho ko. Lagi naman siya dumadalaw sa shoot," sabi ni Jennylyn

May mga nagsasabi ring ang lead star ng Resiklo ang dahilan, subalit mabilis na nagbigay ng pahayag si Senator Bong Revilla. Aniya, "Walang naman dapat ikaselos [si Patrick], at lalong-lalo na kung ako ang i-li-link sa kanya [Jennylyn], hindi totoo iyon."

Pinabulaanan na lang ni Jennylyn yung mga sinasabi ng tao na break na sila ni Patrick.

"Basta, masaya kami. Mahal namin ang isa't isa. Wala kaming problema," pahayag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN