Sunshine Dizon signs new contract with GMA-7

IMAGE 0


Actress Sunshine Dizon is surprised by the news that she will be moving to ABS-CBN when, in fact, she just signed a two-year contract with GMA-7.



Isa si Sunshine Dizon sa mga dumalo sa press thanksgiving party ng Impostora sa Finio restaurant sa Tomas Morato last Saturday, September 15. Dumiresto si Sunshine at ang iba pang cast ng naturang soap opera pagkatapos ng live guest appearance nila sa Startalk kung saan natanong siya, among other things, tungkol sa rumored boyfriend niya na si Jojo Manlongat at kay Angelu de Leon, na siyang nagbuking ng relasyon nila.

Ayaw nang pag-usapan ni Sunshine ang dalawang issues kung kaya't ibang topics na lang ang itinanong sa kanya ng entertainment press, including ang balitang lilipat siya sa ABS-CBN at balitang si Becky Aguila na rin daw ang kanyang manager.

"Ha? Ewan ko, saan nanggaling ‘yon?" nagtatakang sabi ni Sunshine.

For the record, kapipirma pa lang ulit ni Sunshine ng two-year exclusive contract sa GMA-7 nang lumabas ang balitang lilipat nga siya sa ABS-CBN.

Wala raw siyang alam sa issue na si Becky na ang manager niya. Ito ang dahilan kaya tinanong si Sunshine ng isang press na baka naman ang ina ng aktres na si Dorothy Laforteza ang nakipag-usap sa nasabing manager.

"If ever, kung kinausap man siya ng nanay ko, she has the right because she [her mother] is my manager. Pero kung ako, no hindi ako nakipag-usap at wala namang sinabi ang nanay ko. I represented myself during the contract signing," paliwanag ni Sunshine sa tanong kung sino ang humarap for her as manager.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit umugong ang balita na lilipat siya sa kabilang istasyon dahil in one interview, na lumabas din dito sa PEP, ay ipinagtanggol niya raw si Angel Locsin sa paglipat nito sa ABS-CBN.

"Ang sabi ko lang, Angel has the right to do what she wants. Kung ako rin naman ‘yon, I mean it's my decision whether to stay or not. We're not friends, hindi nga kami nagkasama sa kahit anong show. Nakikita ko lang ang decision niya as an artist," pahayag ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunshine, meanwhile, is staying with GMA-7. Kung aalis raw siya, magpapaalam siya nang maayos.

"Doon yata nagkagulo kasi hindi nagpaalam properly," ani Sunshine.

Hindi pa alam ni Sunshine kung ano ang next show niya sa Kapuso network, pero definitely ay sa primetime pa rin ito.

Huling kulit namin kay Sunshine regarding Jojo, ibalato na lang daw namin sa kanya 'yon.

Wala rin siyang comment about Angelu.

"She's not a friend, I'm not her friend so wala kaming issue," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN