Uma Khouny on Wendy Valdez: "Kung makiki-ride on ako, doon sa sikat."

by Julie E. Bonifacio
Sep 17, 2007
The word war between Pinoy Big Brother housemates Uma Khouny and Wendy Valdez continues as Uma reacts to Wendy's comment that he should stop riding on her popularity. "Ako, makiki-ride on? Kung makiki-ride on ako, doon sa sikat. Makiki-ride on ako sa mas sikat sa kanya!" said Uma.

Nagpakawala muli ng maaanghang na salita ang dating Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 housemate na si Uma Khouny laban sa controversial housemate ng PBB Season 2 na si Wendy Valdez sa free concert na Housemates: Tuloy Pa Rin Ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay sa Araneta Coliseum last Saturday, September 15.

Ito ay may kaugnayan sa naging sagot ni Wendy sa Entertainment Live sa sinabi ni Uma na "pinaka-plastic" na artista ang lead star ng Margarita.



Pagkatapos ng opening number ng Season 1 housemates sa Big Dome, isinalang batch by batch ang mga housemates sa "hot seat" with Cristy Fermin ang Jobert Sucaldito. Dito unang pinasagot si Uma sa sinabi ni Wendy na "sana huwag na lang maki-ride" si Uma.



"Ako, makiki-ride on? Kung makiki-ride on ako, doon sa sikat. Makiki-ride on ako sa mas sikat sa kanya!" sabi ni Uma, na pinalakpakan ng audience sa Big Dome.

Ang sabi pa ni Wendy, ang pagkakaiba raw nila ni Uma ay mas mahaba ang buhok niya sa Israeli housemate.

Continue reading below ↓



"Kung mahaba ang buhok niya, mas makinis naman ang balat ko sa kanya!" sagot naman ni Uma.



Nagbigay rin ng reaksiyon si Uma sa sinabi ni Wendy na masaya siya dahil may work na si Uma ngayon at sana happy rin si Uma sa kanya.



"Masaya ako dahil kahit hindi ako napapanood ng madalas ng mga tao sa TV, kilala pa rin nila ako. And after two years, nandito pa rin kaming mga housemate ng season 1. Mas kilala pa rin kami ng mga tao kesa sa kanila. At may superstar kami, si Sam Milby!" pahayag naman ni Uma, pagpapatunay na siya pa rin ang "may asim ng sinigang."

Read Next
Read More Stories About
Uma Khouny, Wendy Valdez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The word war between Pinoy Big Brother housemates Uma Khouny and Wendy Valdez continues as Uma reacts to Wendy's comment that he should stop riding on her popularity. "Ako, makiki-ride on? Kung makiki-ride on ako, doon sa sikat. Makiki-ride on ako sa mas sikat sa kanya!" said Uma.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results