Shaina Magdayao insists nothing is going on beween her and John Prats

IMAGE 0


"Nagtataka lang po ako dahil wala naman talagang katotohanan ‘yon.Totoo pong close kami ni John, pero as a friend at kasama sa trabaho," reacts Shaina Magdayao to a write-up saying that she and John Prats have been on for four months.



Nag-react si Shaina Magdayao sa naisulat ng isang entertainment writer na pinaninindigan niya na four months na ang relasyon ng young actress at ni John Prats.

"Hindi po totoo and I will also stand by that, by what I've said," mariing sabi ni Shaina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng cast ng pelikulang Bahay Kubo sa Valencia Studio ng Regal Entertainment yesterday afternoon, September 16.

Dagdag pa ng young actress, "Nagtataka lang po ako dahil wala naman talagang katotohanan ‘yon. Totoo pong close kami ni John, pero as a friend at kasama sa trabaho."

Pero bakit hindi mamatay-matay ang issue sa kanila ni John?

"Siguro po, naaalala na naman nila dahil sa [pregnancy] issue kay Camille [Prats], friend ko po kasi siya. Pero hindi po talaga nanliligaw sa akin si John. Hindi po ako nagagalit sa nagsulat, pero hindi po talaga totoo ang isinulat niya," sabi ni Shaina.

So, si Rayver Cruz lang talaga ang nanliligaw talaga sa kanya at wala nang iba?

"Yes po, si Rayver," pag-amin ng dalaga. "Kung meron man pong iba, non-showbiz po sila. Pero si Rayver talaga ang pursigidong ligawan ako, simula noong payagan ako ng parents ko at ni Ate Vina [Morales] na puwede na akong ligawan. Napakatiyaga po niya, umaakyat siya ng ligaw sa akin sa bahay namin, kahit manggaling pa siya sa kanila sa Las Piñas."

Totoo ba na gusto nang pumunta ni Rayver sa United States para doon mag-aral dahil broken-hearted ito sa kanya?

"Wala po akong alam na pupunta siya sa States," sagot ni Shaina. "In fact, may sisimulan po siyang bagong show, ang Bagets. Siya po yata ang gaganap sa role ni Kuya Aga [Muhlach]."

Nabanggit na rin lang niya ang Ate Vina niya, how true na nagpaalam na ito sa ASAP ‘07 dahil pupunta na ito sa U.S.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam kung aalis na siya sa ASAP," sabi ni Shaina. "Basta kanina [Sunday], she already left for Stockton, California. Three weeks siya sa States, dala niya ang concert niya na Showgirl.

"Kung totoo pong aalis siya sa ASAP," patuloy niya, "baka it has something to do sa pananalo niya sa IKON singing contest sa Malaysia. May offer sa kanyang international recording. Baka ‘yon ang susunod niyang pagkakaabalahan. Alam ko po, matagal na niyang dream na makapasok sa international recording."

Malapit na ang November 6, when she will turn 18. Alin ba ang tuloy: ang European tour o isang grand debut?

"Hindi ako mabibigyan [ng ABS-CBN] ng three-week vacation sa Europe. Pero okay lang dahil may surprise sila sa akin kapalit nun and worth naman po. Nami-miss ko na talagang gumawa ng teleserye at kasasabi lang nila sa akin. Hindi ko pa lamang alam kung ano ‘yon, pero napakaganda pong birthday gift sa akin."

Shaina will play one of the seven children of Maricel Soriano and Eric Quizon sa Bahay Kubo. Kung excited siya na muli niyang makasama ang kanyang Inay Marya—na una niyang nakasama sa Bida si Mister, Bida si Misis—medyo natatakot naman siya sa mga eksena nila.

"Nasa script kasi, tatlong beses akong sasampalin ni Inay Marya, kaya natatakot ako. Alam ko pong mabigat ang kamay niya. Pero ready ako, at mas gusto kong totoo ang sampal niya para maka-react ako nang tama," sabi niya.

Karamihan ng mga kasama ni Shaina sa Bahay Kubo ay mga young stars ng GMA-7. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga ito?

"Kahapon, sa isang eksena namin, sinampal ako ni Marian [Rivera] at gumanti rin ako ng sampal sa kanya. First time ko pong nakatrabaho ang mga taga-GMA [Marian, Mark Herras, at Yasmien Kurdi] at mababait sila. Masaya silang kasama, ganoon din si direk Joel Lamangan," kuwento ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN