Maricel Soriano is proud of her two sons' right direction in life

IMAGE 0


Maricel Soriano talks candidly about the role she enjoys most—being a mom. She attributes her good relationship with her sons Marron, 20, and Tien, 14, to their open communication, and strictly abides by their desire for privacy.


Isang proud na nanay at kuntentong aktres naman ang mga imaheng naipamalas ni Ms. Maricel Soriano nang huli itong makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pictorial na ginawa sa Valencia residence ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) entry nitong Bahay Kubo, nagmistulang storyteller si Maria sa latest happening sa kanyang buhay.

Kagagaling lang nila sa U.S. kung saan matagumpay na tinanggap ng maraming Filipino groups doon ang last movie offering niyang A Love Story, with Aga Muhlach and Angelica Panganiban.

"Naku, 'day, nakakaloka ang reception! Very warm! Bigla ngang parang may flashback sa amin ni Morning [ang tawag niya kay Aga] nang literal na nakita namin ang napakadaming mga tao. Uso pa ha, take note, at sa Amerika pa...Yung sobra kang i-mob ng mga tao, sabitan ka ng bulaklak, at talagang pictorial to the max—sabi ko nga kay Aga, totoo ba ito? Tapos ganun nga, tsuk, biglang flashback sa amin yung mga era namin dito," ang tuloy-tuloy at masayang kuwento ng Diamond Star sa PEP.

Although may pagkakaiba raw talaga ang klase ng reception noon sa ngayon, masaya at kuntento na si Maria sa pagkakaroon ng pagkakaabalahan. Aware na aware siya sa kalagayan ng movie-making industry kaya't habang may mga nagtitiwala sa kanya, "Go lang nang go."

Isa na ang 2007 sa pinaka-abalang taon ni Maricel sa paggawa ng pelikula. Apat na pelikula na ang kanyang naipalabas at gusto niyang maging makabuluhan ang MMFF dahil sa Bahay Kubo.

"Masaya ang buhay kapag busy at masaya ka sa trabaho mo, 'di ba? So work lang nang work," dagdag pa nito.

In fact, ganyan din ang patakaran niya sa dalawang niyang anak. Nandito na sa bansa ang panganay niyang si Marron, 20, dahil natapos na nito ang high school sa Amerika. Samantala, si Sebastien, 14, o mas kilala sa tawag na Tien, ay high school na. Abala ngayon sa pag-aaral ang dalawa, and for purposes of "their own privacy," ipinakiusap ng Diamond Star na huwag na naming banggitin ang mga eskuwelahang pinapasukan ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kanila nanggaling ang pakiusap...actually dahil pakiramdam naman siguro nila ay deserve nila ang pagkakaroon ng privacy, 'di ba? 'Tsaka yung mga anak ko, hindi ko sila pinalaking spoiled. Everything that they have now is product of their hard work, pagtitipid, etc. Basta naging rule na namin, kapag may gusto sila like bagong cellphone o anumang modernong gadgets, kailangan pagtrabahuan nila. In fairness naman, masisinop sila, nagtitipid sa allowances nila kaya ganun...

"Take note, sobra nilang na-eenjoy ang mga buhay nila kasi like any ordinary young students, nakakapag-MRT sila, sumasakay sa bus, mga ganun. Kaya behave ang nanay nila sa pag-reveal kung saan sila nag-aaral o ano na mga hitsura nila sa ngayon dahil sa mga ganung bagay," pagmamalaki pa ni Maricel.

Naging buhay nga naman ni Maricel ang showbiz at naiintindihan daw niya ang "hinaing at pakiusap" ng mga anak pagdating sa pagkakaroon ng pribadong buhay. Sobra daw siyang naaaliw sa kanila dahil sila pa ang naghihigpit sa kanya, lalo na pagdating sa kanyang paninigarilyo.

"Kaya nga very proud mother ako, kapatid. Behave na behave pa. I rarely go out. Enjoy lang akong nanonood ng mga TV shows o mga TV series, DVDs. Very visual person kasi ako, kaya 'pag wala din lang mga taping o work, stay lang sa house at super bonding sa mga anak," kuwento pa ni Maria.

Inilarawan ni Maria na hindi siya istrikto pagdating sa pakikipagmabutihan ng panganay niya sa current girlfriend nito. Mas aliw nga siya sa kasalukuyang ka-relasyon ni Marron dahil isa itong Pinay.

"At least hindi ako mauubusan ng English, gaya nung unang American [girlfriend] niya. With Tien, best friend niya ang kuya niya at idol pa. May mga bagay man akong hindi maituro nang diretso sa kanila, by having a very open communication, sigurado akong nasa tamang direksyon ang mga buhay nila," pagtatapos pa ni Maricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN