Jomari Yllana explains no-reply to Martin Nievera's dinner invitation

IMAGE 0


Actor Jomari Yllana admits that he received the text messages of Martin Nievera, ex-husband of his girlfriend Pops Fernandez, but he was not able to answer them. "I felt there was no need to reply anymore. It was that simple," said Jomari.



Damay na ang aktor na si Jomari Yllana sa matinding sigalot ng dating mag-asawa na sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nagsimula ang pagkakadawit ni Jomari sa awayan nina Martin at Pops nang ikuwento ng Concert King na inimbita niya ang aktor na sumamang mag-dinner sa kanila ng mga anak nila ni Pops na sina Robin at Ram. Pero hindi raw nag-reply si Jomari sa text ni Martin.



Sabi ni Martin, "I think maybe he's a little bit upset. He's a very silent guy. I have nothing against the guy. If she's [Pops] upset with me, he's gonna be upset also. So it's unfair to talk to him or to Pops while they're upset but they are so welcome."

Nagpaliwanag naman si Jomari sa panayam sa kanya ng The Buzz tungkol sa naturang insidente.

"Nabasa ko yung message," pag-amin niya. "It was really late na, e. He texted me three times. Hindi ko nasagot yung una, hindi ko nasagot yung pangalawa, hindi ko rin nasagot yung pangatlo. I felt there was no need to reply anymore. It was that simple."



Dagdag pa ni Jomari, "Number one, I have no reason to get upset. All I have is respect sa kanila. Kahit di ako nag-reply sa text, puro respeto yung nahaharap ko sa kanila. Nire-respect ko lang siyempre ang pagiging magulang nila. Labas ako dun sa problema nila. Walang ibang makaka-solve nun kundi sila lang rin. Siyempre, wini-wish ko rin na maayos ang dapat maayos. Pero labas ako dun."

Samantala, nagbigay naman ng suporta si Jomari sa dating asawa na si Aiko Melendez sa hiwalayan nila ng second husband nito na si Martin Jickain.



"Sana maayos. Nandito ako para kay Aiko kung gusto niyang mag-confide. Kung meron akong maitutulong sa kanila, itutulong ko hanggang kaya kong ibigay, gagawin ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kaugnay nito, nagdiwang naman ng kanyang 9th birthday ang only child nina Jomari at Aiko na si Andrei.



"May usapan kami, e. Sabi ko sa kanya, bigyan mo ako ng magandang grades, itong grade level na ito. Sabi niya, gusto niya ng flatscreen TV. So, pumasok yung magandang grades niya nung first quarter. Binigyan ko ng TV. Hindi ko pa lang nade-deliver," pagtatapos ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN