Willie Revillame shares thoughts on Meryll's failed marriage and his being a lolo

IMAGE 0


"Suwerte kasi nagkaroon ka ng baby, anak, tapos may award ka pa. Dalawana ang trophy mo... Ang importantealagaan mo ang sarili mo kasi meron ka nang aalagaang bata," says Willie Revillame about daughter Meryll Soriano.



Isinawalat ng Wowowee host na si Willie Revillame sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, September 16, ang kanyang damdamin sa kinahinatnan ng pagsasama ng panganay niyang anak na si Meryll Soriano sa mister nitong si Bernard Palanca.

Mismong si Meryll daw ang nagpunta sa bahay niya at nag-dinner silang mag-ama. Dito raw sinabi ni Meryll na hiwalay na sila ni Bernard.



"Ramdam ko, e," bungad ni Willie. " Hinihintay ko lang siya magsalita. Buntis, e. Sabi niya, ‘Pa, hiwalay na kami ni Bernard.' Sabi ko, ‘Hindi kita tatanungin kung bakit.' Sa lahat ng tao, hindi ako mapagpakialam sa buhay ng ibang tao. Kasi ganun din ang nangyari sa akin, e."



Tinanong daw ni Willie si Meryll kung kaya nito ang makipaghiwalay kay Bernard, lalo na't ipinagbubuntis pa lang niya noon si Elijah.



"Sabi niya, ‘Pa, huwag mo akong pabayaan.' ‘Bakit naman kita pababayaan? Nandito ako. Kung anuman ang kailangan mo, ako ang bahala sa ‘yo,'" lahad ni Willie.



Nagkita na ba sila ni Bernard pagkatapos nilang maghiwalay ni Meryll?



"Hindi, e," sagot ng comedian-TV host. "Ganun ang buhay. Hindi naman ako puwedeng magalit diyan dahil hindi ko alam kung ano ang naging problema nilang mag-asawa at saka ayokong makialam. Buhay nila ‘yan, e."



Kahit daw text message man lang mula kay Bernard ay walang natanggap si Willie. Pero nilinaw ni Willie na hindi naman daw siya nag-e-expect na i-text siya ni Bernard.



"Hindi, kasi ganun ang pagkatao niya [Bernard], e. Iyon siya, e. Hindi ako para makialam kay Meryll. Ngayon, kung lalapit siya sa akin, e, di kakausapin ko siya ng lalaki," sabi ni Willie.



Kakaiba rin daw ang naging pakiramdam ni Willie nang makita niya ang apo niyang si Elijah.



"Nung makita ko siya, yung feeling ko, kasi lolo na ako, parang iba na dapat ang buhay talaga. Dapat maturity talaga sa buhay. May mga anak ako, eto may apo na ako. Lumalaki ang pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang wish ko sana, hopefully, ito ang dinadasal ko na kapag Pasko, kasama ko ang mga anak ko. Kasi hindi ko naramdaman na kasama ko ang pamilya ko sa buhay ko. At saka kung anuman ang pag-asenso ko, para sa kanilang lahat yun."



Guwapong-guwapo naman si Willie sa kanyang unang apo. "At saka ang ganda ng buhok. Guwapong bata. E, guwapo naman ang tatay niya. Simpleng babae naman si Meryll. Ang ganda ng kumbinasyon. Ang sarap ng feeling!" bulalas ng bagong lolo.



Kasunod nito ang pagbibigay ng mensahe ni Willie kina Meryll at Bernard.

"Congratulations! Nanalo siya [Meryll] ng best supporting actress. Suwerte kasi nagkaroon ka ng baby, anak, tapos may award ka pa. Dalawa na ang trophy mo. Hindi ka basta-basta ordinaryong babae. May obligasyon ka na rin. Kung anuman ang nangyari sa amin ng Mama [Bec-Bec Soriano] mo, sana hindi ganun ang maging buhay mo. Ang importante alagaan mo ang sarili mo kasi meron ka nang aalagaang bata.



"Kay Bernard? Tatay ka na. Inspirasyon ‘yan sa buhay mo kung nakapag-settle na kayo ni Meryll at nakapag-usap na kayo nang maayos, at kung anuman yung landas ninyo pareho, nirerespeto ko ‘yon. Ang importante, sana yung bata, lagi mong nakikita. Importante sa baby yung time, para yung bata hindi naghahanap ng pagmamahal ng isang ama."



Maging si Willie ay hinahanap ang kanyang bunso na si Juamee, anak ng comedian-TV host sa dati nitong asawa na si Liz Almoro.



"Sobra, sobrang nami-miss ko yung bata," pagtatapos ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN