Kim Chiu harbors no ill feelings about her mother's abandonment

IMAGE 0


"...Hindi magandang magtanim ng sama ng loob. Kasi kapag galit na galit ka,anong gagawin mo? Nandiyan lang ang galit sa puso mo. Hindi ka magigingmasaya. Kaya wala na yung sama ng loob. Wala na, matagal na. Eightyears na, e," says young actress Kim Chiu about her mother who left the family when she was just nine years old.



"Hindi ko nga po alam na may mga questions na ganito... yung tungkol sa mommy ko. Wala, nandiyan na," very honest na pahayag ni Kim Chiu nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa second presscon ng launching movie nila ni Gerald Anderson, ang I've Fallen For You ng Star Cinema, kaninang tanghali, September 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.



Tinanong si Kim ng PEP kung bakit ngayon ay tila mas open na siyang sumagot ng mga tanong tungkol sa kanyang ina. Dati kasi, iniiwasan talaga ni Kim na sagutin ang anumang question about her mother na nang-iwan sa kanila when she was only nine years old. Simula nga raw nang lumayas ang kanyang ina ay never pa silang kinontak muli or nagkaroon ng kahit isang beses na communication.

"Wala po...wala na po kaming kontak," sabi ni Kim. "Hinayaan ko na lang po. Kasi nasa tao naman po ‘yon kung gusto ka niyang makita at makausap. Mahirap din naman pong pilitin kung ayaw naman po pala."



Wala ba siyang ginawang way para hanapin ang ang kanyang ina?



"Ayaw na rin po kasi ng lola ko sa side po ng daddy ko na hanapin po," sagot ng dalaga. "Sa ngayon, okay na rin naman kasi ang family. Baka po kung ano, magkagulo lang din po."

Kung sakali ba at biglang magpakita ang mommy niya, ano kaya ang posible niyang maging reaction?



"Siyempre po, matutuwa ako na dumating siya. Malay mo, dahil sa kanya, maka-bless pa sa movie. Siguro, tatanungin ko na lang siya kung bakit siya umalis, kung bakit niya kami iniwan," sabi ni Kim.



Walong taon na rin simula nang iwan sila ng kanyang ina. May sama ng loob ba siyang nararamdaman para sa kanyang ina?



"Noong una, meron," pag-amin niya. "Pero sabi nga nila, hindi magandang magtanim ng sama ng loob. Kasi kapag galit na galit ka, anong gagawin mo? Nandiyan lang ang galit sa puso mo. Hindi ka magiging masaya. Kaya wala na yung sama ng loob. Wala na, matagal na. Eight years na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayaw na nga lang sabihin ni Kim kung ano ang pangalan ng kanyang ina at kung ano ang dahilan kung bakit sila nagawang iwan nito.

"Siyempre, masakit po ‘yon kasi ang bata pa po namin noon. Pero nagsilbi po yung aral sa akin. Na kapag naging mommy na ako, hindi ko iiwan ang mga anak ko para hindi sila masaktan," pangako niya.

Ayon kay Kim, taga-Dumaguete raw ang kanyang ina. Bagama't may dugong Chinese din ito, mas malaki raw ang percentage ng pagiging Filipino nito. Wala rin daw contact ang young actress sa mga relatives niya sa mother side niya dahil kahit daw noong kasama pa nila ang ina ay hindi rin daw niya nakikita ang mga ito.

Tulad niya, wala rin daw itinatanim na sama ng loob ang mga kapatid sa inang nang-iwan sa kanila.

"Wala po. Kasi po, ang lola ko po, palagi niya po kaming sinasabihan na hindi naman po kami dapat magtanim ng sama ng loob. Na wala naman daw po kaming dapat na ikagalit," ani Kim.



Natatawa na lang daw si Kim dahil simula nang mapanood siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition hanggang ngayon ay maraming nagpapadala ng letters sa kanya at pictures claiming na sila ang tunay niyang ina.

"Opo...meron po talagang ganoon...may pictures pa nga! Sabi ko nga, ‘Ano ba ‘to?' Yung ibang picture, sobra naman pong Intsik. Kulang na lang po, magpadala sila ng mga 'Made in China.' Nand'yang nasa Cebu raw sila, nasa ganito, tawagan ko raw po... Natatawa na lang kami ni Ate Portia [her handler in Star Magic]. Sabi nga ni Ate Portia, ‘Baka ako pala ang mommy mo!'" natatawang kuwento ni Kim.



Ayon kay Kim, dahil sa pangyayaring ito sa kanyang buhay ay masasabi niyang mas naging better person siya.

"Kasi hindi po ako nag-depend sa magulang ko. Kaya kong mabuhay na ako lang mag-isa," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi rin daw niya masasabing may kulang sa kanya sa kabila ng pagkawala ng kanyang ina.



"Sobra-sobra pa nga po," sambit niya. "Sa lahat ng hiniling ko, sobra-sobra pa po ang ibinigay sa akin. Noon, ang hiniling ko lang po makapasok ako sa PBB, ibinigay po. Tapos sobra-sobra pa po.



"Yung tungkol sa mommy ko, tama na po ‘yun, huwag na lang nating pag-usapan," mangiyak-ngiyak na pakiusap niya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN