"Growing Up" star Onemig Bondoc is all grown up and seriously into business

IMAGE 0


We hear people say, "Where is Onemig Bondoc?" It's been two years since his last appearance on TV, in the defunct ABS-CBN fantaserye Marina, which was topbilled by Claudine Barreto. PEP (Philippine Entertainment Portal) bumped into him at a party and we asked, "What's up, Onemig?" He replied, "Iba ang trip ko ngayon at ito ang gusto kong pagtuunan."


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Onemig Bondoc sa birthday party ng isang entertainment writer, sinabi nito na gusto na niyang magpahinga muna sa showbiz. Ayon sa dating sikat na teen idol, kailangan muna niyang mag-concentrate sa mga negosyo ng pamilya dahil panahon na raw upang patunayan niyang kaya rin niyang umasenso sa pamamagitan ng pagsisipag.

Si Onemig, o Juan Miguel Rivera Bondoc sa totoong buhay, ay panganay sa apat na anak ng businessman na si Mariano Bondoc, Jr. at ang kanyang ina na si Milo Rivera.

Sa ngayon, gusto raw magsimula ng 30-year old actor ng sariling negosyo para maipakita naman niya sa kanyang pamilya na kaya rin niyang umangat. Wala naman daw siyang sama ng loob sa showbiz, naramdaman lang daw niya na kailangan na niyang lumayo sa industriyang ginalawan niya sa loob ng mahigit na sampung taon.

“I had my time, ipaubaya na para sa mga bata ng kasalukuyang panahon. Iba ang trip ko ngayon at ito ang gusto kong pagtuunan,” sabi ni Onemig.

Noong isang taon ay napabalita ring papasukin ni Onemig ang daigdig ng pulitika. Tatakbo sana siyang kongresista sa kanilang bayan sa Hermosa, Bataan. Pero nag-backout si Onemig at nagsabing baka hindi pa niya makayanan ang mga intriga sa pulitika.

“Nakapag-isip ako, kaya nga ako umalis sa showbiz dahil ayoko ng sistema rito. Sa pulitika, mas grabe pa. Makakapag-serve naman ako sa taumbayan kahit hindi na ako kumandidato,” sabi niya.

Pero hindi rin daw niya tuluyang isinasara ang pinto sa pulitika. “Titingnan ko sa susunod, titingnan ko kong makakayanan ko. Ang sa akin kasi, hindi ako corrupt na tao kaya natatakot akong pasukin ang larangang ‘yan.”

Inamin naman ni Onemig Bondoc na meron na siyang isang anak na babae sa kanyang Filipino-French girlfriend. Pero hindi pa raw panahon para magpakasal na siya. “Maybe next year, basta hindi muna ‘yan ngayon. I enjoy my daughter and I love her mom, pero ang kasal, saka na muna ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuluyan na rin daw niyang iniwan ang pagbubuhay-binata. Habulin kasi si Onemig ng mga babae noon, marami-rami ring artista ang na-link sa pangalan niya—Angelu de Leon, Ciara Sotto, Bianca Lapus, Donna Cruz, China Cojuangco, Sheree, Aubrey Miles, Rosanna Roces, at si Wilma Doesnt.

Aniya, mas concentrated na siya sa pagpapamilya at sa mga negosyong hawak niya.

“Panahon na para ang sarili kong pag-asenso ang harapin ko ngayon,” panghuling sabi ni Onemig.

Si Onemig ang isa sa pinakasikat na young stars noong early ‘90s bilang bahagi ng youth-oriented drama series na T.G.I.S. ng Viva Television at GMA-7 at Growing Up. Naktrabaho rin niya sina Aga Muhlach, Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Kristine Hermosa, at marami pang iba. Nagsimula siya sa pagiging commercial model sa edad na 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN