Joey de Leon: "Explain before I comply!"

Sep 17, 2007
MTRCB Chairman Consoliza Laguardia (left) denied that she had anything to do with the memo issued by GMA-7 to Joey de Leon. As a result, the comedian-host decided to file an indefinite leave of absence from his Saturday talk show Startalk.

Inamin ni Joey de Leon na labis siyang naguguluhan kaya't nagdesisyon siyang mag-file ng indefinite leave of absence sa programang Startalk.

Ayon sa beteranong host-comedian, nagsimula ito nang makatanggap siya ng isang memo mula sa ilang opisyal ng GMA-7 at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na nagbabawal sa kanya na gumawa ng ilang bagay na "detrimental" sa kanyang paghu-host.

THE MEMO. "Tumanggap ako ng sulat mula sa matataas na tao sa istasyon at ibang tao na may kaugnayan sa pagbu-broadcast sa TV. Hindi malinaw, binawalan ako na magsalita sa ilang bagay, pati pag-gesture o paggalaw ng kamay, hindi ko maintindihan...pati nga slogan sa damit ko, bawal din," hinaing ni Joey.

"Dahil ang Startalk ay isang talk show, minabuti ko munang [lumiban]. Baka madulas ako, magkamali ako, maapektuhan pa yung show at mga kasama ko," dagdag niya.

Ayon pa rin kay Joey, handa naman siyang sumunod sa mga ito. Ang kundisyon, sabihin lang ng nagbabawal kung anu-ano ang mga ito.

Continue reading below ↓

"Explain before I comply!" mariing sinabi ni Joey. "Ipaliwanag n'yo lang in detail muna, ano ba talaga ang pwede kong isuot, ang puwede kong sabihin, na hindi masama sa panlasa ninyo."

"Hindi ko tuloy alam kung puwede pa akong magsuot ng damit na may nakalagay na slogan ng dati kong show for eleven years na Wow Mali, kasi baka pati 'yon bigyan pa rin ng malisya. So parang hindi na rin ako puwedeng tumawag sa cellphone kung tatawagan ko landline sa Manila, kasi yung dalawang numero sa umpisa ang ipinagbabawal sa aking gamitin?" pagbibiro ng ace comedian.

"Basta ako hindi nanunudyo. Tumahimik na ako tungkol sa nakaraang isyu. Yun na lang pati pagbibihis ko, napapansin pa," dagdag pa ni Joey.

THE CHAIRMAN'S REPLY. Tumanggi naman si MTRCB Chairman Consoliza Laguardia na may direkta siyang kinalaman sa mga pangyayari. Ayon sa pinuno ng MTRCB, nagkaroon daw ng meeting ang adjudication committee ng ahensiya kasama ang ilang opisyal ng GMA-7 kung saan pinag-usapan ang mga dapat ipaalala kay Joey. Hindi naman daw siya humarap sa nasabing meeting.

Continue reading below ↓

"Walang written memo, ni wala nga yung sinasabi nila sa Showbiz Central na gag order na pinatitigil siya, it was the adjudication committee who was there. Hindi naman na humaharap ang Chair dun sa mga meeting na ganoon," paliwanag ni Chairman Laguardia.

Hindi na rin daw muna siya tatawag kay Joey matapos niyang malaman na nag-file ito ng leave of absence.

"I'm sorry to hear that pero nasa kanya na 'yon, e. Hindi ko hawak ang buhay niya, pero sana huwag naman," sabi ng MTRCB Chairman. "Malaki na siya, alam na niya ang ginagawa niya. I've done my part, bahala na yung network sa kanya. Choice niya 'yon, e."

THE REAL DEAL. Hindi naman napigilan ng close friend ni Joey at Startalk co-host na si Lolit Solis na maglabas ng sama ng loob. Ayon kay Lolit, sana raw ay hindi iwasan ang tunay na isyu.

"Ang nag-umpisa ng isyu yung kabilang estasyon [ABS-CBN], si Willie [Revillame]. Sumagot lang si Joey. At saka kahit naman nagsasagutan yung dalawa, wala namang nagbabastusan, di ba? Kung gustong pagbatiin ni Chairman Laguardia sina Joey at Willie, okay 'yon. Pero na kay Joey na kung gusto niyang patawarin si Willie. Karapatan ni Joey kung kanino siya magagalit," bulalas ni Lolit.

Continue reading below ↓

"Bakit ba ako, kung ayaw kong batiin si Osang [Rosanna Roces], wala namang makakapigil, di ba? Karapatan ko 'yon. Magsasalita siya, sasagot ako. Walang masama dun. Issue 'yon, e."

Nagpahayag naman ng labis na kalungkutan si Lolit dahil sa hindi pagsipot ni Joey noong Sabado, September 15, sa Startalk. Nakasanayan na raw kasing naroon si Joey kaya't malaking kakulangan ang kanyang pagliban.

Read Next
Read More Stories About
Joey de Leon, MTRCB
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MTRCB Chairman Consoliza Laguardia (left) denied that she had anything to do with the memo issued by GMA-7 to Joey de Leon. As a result, the comedian-host decided to file an indefinite leave of absence from his Saturday talk show Startalk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results